VP Leni Robredo: May Karapatan akong i-criticize ang gobyerno

Binigyang diin ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Martes na ang kanyang katayuan bilang isang mamamayang Pilipino ay nagbibigay sa kanya ng karapatang punahin ang mga aksyon ng gobyerno anuman ang kanyang katayuan bilang bise presidente ng Pilipinas.
“Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko. And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,” ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa interview sa programa na Quarantined with Howie Severino.
Nauna nang inakusahan ni Robredo ang administrasyong Duterte na walang malinaw na direksyon habang nakikipaglaban ang bansa sa sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) pandemya, isang sentimento na inulit niya sa panayam.
“Kasi parang napaka-frustrating tingnan. Napaka-frustrating tingnan na ‘yun nga hindi mo alam kung ano ‘yung direksyon. ‘Yung sasabihin ng isa, sasalungatin ng isa. ‘Yung direksyon ng ahensya hindi sabay-sabay,” sabi ng bise Presidente.
"And I think nakikita ito during the press conferences. Ako I have been religiously watching the Monday press conferences. Dapat sana 'yung press conferences for me dapat reassuring, dapat 'di ba? Alam mo ‘yun,” dagdag pa nito.
Sinabi ng bise presidente na napanood din niya ang mga press conference ng iba pang mga pinuno ng mundo na mas malinaw sa pagbibigay ng direksyon sa paglaban sa virus tulad ng Punong Ministro ng New Zealand na si Jacinda Ardern at Pangulo ng Taiwan na si Tsai Ing-Wen.
"Parang ‘pag humaharap sa publiko parang 'yung plano nakalatag. Parang ako kung makikinig ako alam ko kung ano ang ie-expect ko ngayong linggo, ano ‘yung mangyayari, ano ‘yung targets, ano ‘yung nangyari du'n sa targets last week. Pero frustrating panoorin na parang alam mo ‘yun parang walang sense of urgency. And I think detrimental ito lalo sa mahihirap,” she said.
Ayon kay Robredo, ginawa lamang niya ang kanyang mga rekomendasyon sa publiko sa COVID-19 noong Hulyo at Agosto sapagkat "nais niyang bigyan ng pagkakataon ang [administrasyon]."
"Pero ‘yung sa akin lang tayo 'yung pinakamahabang lockdown. Marami na akong nakikitang kakulangan. Parang it would ba a disservice to the people kung hindi ako magboboses ng kakulangan,” sabi niya.
Sinabi ni Robredo na gagamitin niya ang kanyang platform bilang bise presidente upang ibahagi ang boses ng iba na pareho niya ng paniniwala.
"It might not be the same for all pero may mga taong pareho ng aking paniniwala. So sa akin obligasyon ‘yun and hindi puwedeng sabihin na dahil hindi ako presidente, hindi ako puwedeng magsalita. Kasi kahit as I have said kahit walang katungkulan puwedeng magsalita,” sabi niya..
Comments
Post a Comment