Tumakas na tulak ng dr*ga, inihatid ng sinakyang taxi driver sa presinto

Arestado sa Mandaluyong ang tatlong suspek na sangkot umano sa droga.
Nagpumiglas hanggang makatakas sa mga pulis ang isa sa mga dr*g suspek na si Jose Glen Perez agad siyang nakapara ng taxi.
Pero nang makita ng driver ng taxi ang suot na posas ng suspek, dinala siya nito sa pinakamalapit ng presinto.
Dito hindi na niya naitanggi ang pagkalulong niya sa droga.
Nakuha sa kanya ang mahigit P13,000 halaga ng shabu.
Comments
Post a Comment