Tolongges huli sa aktong dumudumi sa Manila Bay, inaresto

Arestado ang isang lalaki matapos itong maaktuhang dumudumi sa Manila Bay ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda habang nagsasagawa ng clean-up drive ngayong Sabado, Setyembre 12, 2020.
Aagad itong sinita ni Usec. Antiporda, sinermonan at pinahuli ito sa mga pulis.

Katwiran ng lalaki, hindi na niya kinaya kaya naisipang maglabas ng ‘sama ng loob’ sa nirerehabilitate na Manila Bay.
“Hirap na hirap kami kalilinis. Tinataehan mo? Bawal nga ‘yun eh kahit sa tubig ka tumae,” gigil na pahayag ni Usec. Antiporda habang kausap ang lalaki na hindi pa nakikilala.
Comments
Post a Comment