Tim Sawyer at China Roces nagkaayos na sa tulong ni idol Raffy Tulfo

"Sana maging lesson din to sa lahat ng magkarelasyon. Sana hindi na lang maulit. Huwag na gumawa ng live video kasi dapat yung mga away ng mag-asawa, hindi na dapat isapubliko. Mahirap na kasi yung judgement ng tao," -Tim Sawyer.
Tuluyan ng nagka-ayos ang couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces sa tulong ng idol ng bayan broadcast journalist na si Raffy Rulfo.
Matapos ang ilang araw, napagdesisyonan ng dalawa na magkasundo na at patawarin na ang isa't-isa.
Sa programa ni idol Raffy Tulfo, muling nakapag-usap ang dalawa, matapos ireklamo ni Tria Valentin (ang babae umanong magiging ka-collab ni Tim sa kanyang mga bagong vidoes) ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa gulo ng couple vlogger.
Ikinatuwa naman ng mga tagahanaga at tagasubaybay ng dalawa ang kanilang pagkakasundo matapos ang kanilang kontrobersiyal na live video sa Facebook.
Comments
Post a Comment