Tambalang Sara-Digong sa 2022, kabahan ang oposisyon ayon kay Sec. Panelo

Kinukumbinsi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Pangulong Duterte na kung maaari ay ipagpaliban muna ang planong pagreretiro sa politika at sa halip ay tumakbo muli bilang bise-presidente ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 National election.
Ayon kay Panelo, nakakasiguro daw siya na matatalo ng husto ang mga nasa oposisyon kung sakali man na magiging reyalidad ang pagtakbo ng mag-amang Duterte.

“Gusto ko itong Presidenteng ito tumakbong bise presidente, sa kaniyang tatakbo o pinatatakbo rin na anak na si Mayor Sara Duterte na presidente.
Di po ba ang ganda, Duterte-Duterte, oh wala na.
Patay ang oposisyon kapag tumakbo itong dalawang ito.
Ginawa na nila iyan sa Davao.
Mayor si Presidente Duterte at ang Vice Mayor niya ay yung anak niyang si Mayor Sara Duterte.
Maniwala ba kayo na noong nagtandem yung dalawa, wala ng tumakbo. Ganoon katindi kalakas.” pahayag ni Sec. Panelo

Base sa pre-election survey noong Disyembre 2019, lumabas ang tandem ng mag-amang Duterte bilang top candidate para sa pagka-pangulo at bise presidente na ayon kay Panelo ay nagpangiti umano kay Pangulong Duterte.
Comments
Post a Comment