‘Sumisigaw na ako sa pain’ Derek Ramsay isinugod sa E.R. dahil sa UV light





"Hindi ko na maidilat 'yung mata ko. Talagang they were burning," kwento ni Derek Ramsay.

Itinakbo sa ospital ang aktor na si Derek Ramsay ng nakaraang linggo dahil sa UV light.

Kuwento ni Derek sa interview nina Iya Villania at Camille Prats sa show na “Mars Pa More”,
may UV light daw sila para ipang-disinfect sa kanilang ilang gamit sa bahay.

Nang mapansin niyang pakislap-kislap ang UV light  napagdesisyon siyang ayusin ito.

Habang inaayos, pinaalalahanan pa raw siya ng girlfriend niyang si Andrea Torres na huwag tingnan nang direkta ang UV light.

Ngunit sa kabila nito, tinignan pa rin niya ito.

Nangyari raw iyon ng alas-7 ng gabi pero pagsapit ng madaling-araw ay hindi na niya maidilat ang kanyang mga mata.

“Talagang they were burning, eh ayoko naman siyang gisingin (Andrea). 

I went to the bathroom, naghugas ako ng mata. It got worse. 

Then it just got worse and worse, 

so napilitan na akong gisingin si Andrea, 

at tinakbo na ako sa ospital,” sabi ni Derek.

Nilagyan pa raw siya ni Andrea ng eye drops at sumigaw na siya sa sobrang sakit.




Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH