South Korean Actress na si Oh In Hye, Pumanaw na




Pumanaw na ngayong Setyembre 15, ang 36-anyos Korean actress na si Oh In Hye.

Ayon sa report, sa isang ospital sa Incheon binawian ng buhay ang aktres.




A post shared by 오인혜 (@5inhye) on
Naglabas na rin ang Soompi tungkol sa burol ng aktres sa Inha University Hospital.

Anila, “The late Oh In Hye’s funeral visitation has been arranged at our hospital.”

Sa imbestigasyon ng Incheon Yeonsu Police Station at Incheon Songdo Fire Station, naabutan ng mga ito ang 36-anyos na aktres bandang alas-5 ng umaga na inaatake sa puso sa bahay nito sa Songdo International Business District sa Incheon.

Dinala sa malapit na ospital si In-Hye ngunit hindi na ito gumising at tuluyan nang pumanaw

Ayon pa sa isang kaibigan ng aktres, tumawag na ito sa pulis dahil hindi umano sila sinasagot ni Oh In Hye.

Sinabi ng isang police spokesperson na maaari raw sinubukan ni In-hye magpakamatay kaya siya inatake sa puso ngunit wala pang sapat na ebidensya ukol dito

Nakilala si Oh In Hye sa mga palabas tulad ng The Plan, Wish Taxi, No Breathing at marami pang iba.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result