Sen. Manny Pacquiao ido-donate sa mga COVID-19 victim ang malaking parte ng kikitain sa laban kay McGregor.

Kumpirmado na ang bakbakang Pacquiao vs. McGregor sa susunod na taon.
Ayon sa special assistant ni boxing champ at Sen. Manny Pacquiao niyang si Jake Joson, ido-donate nila sa mga COVID-19 victim ang malaking bahagi ng kaniyang kikitain sa laban nila ni Conor McGregor.
"Malaking portion ng kikitain ni Sen. MP sa kanyang susunod na laban, eh, ido-donate niya sa mga victims ng COVID," sabi ni Joson.
Sa pahayag ni Sean Gibbons, presidente ng Manny Pacquiao Promotions, ang laban sa pagitan ng eight-division world champion na si Pacquiao at ng Irish mixed martial arts star na si McGregor ay matatawag na "tremendous global event."
Ayon pa kay Joson, umabot na sa isang taon ang pakikipag-usap ng Team Pacquiao sa grupo ni McGregor na pinamumunuan ng manager nitong si Audie Attar na naantala dahil sa COVID-19 pandemic.
"So, nagplantiya pa ng contract ang mga lawyers about this huge boxing match Pacquiao vs. Mc Gregor,... but both fighters are getting ready for this one epic last boxing fight," sabi ni Joson.
Gayunman, wala pang napagkasunduang petsa ng laban, subali’t posibleng mangyari ito sa 2021, ayon pa kay Joson.
Comments
Post a Comment