School Opening, gawin nalang sa 2021, Hiling ng mambabatas at grupo ng mga guro

Para kay Senador Miguel Zubiri, dapat na ipagpaliban muna ang school opening ngayong taon at gawin na lang ito sa taong 2021.
Paliwanag ng senador, ito’y para makapag-adjust pa ang mga estudyante at DepEd sa bagong mode of learning dahil sa COVID-19 pandemic.
“Kung nahihirapan pa ang ating mga estudyante at ang DepEd mag-conduct ng homeschooling then it might be better to postpone the opening to another month or possibly even on January,” sabi ng Senador.
“Education is also important but the delivery of this service must also be effective,” dagdag pa niya.
Suportado din ang panukalang ito ng grupong Teachers' Dignity Coalition (TDC).
Ayon sa kanila:
"PASUKAN NA SA OKTUBRE 5 MGA KAGURO
I-check natin ha.
- Nakahanda na nga ba ang DepEd at mga guro sa October 5 school opening?
- Ano na ang sitwasyon sa field? Maayos ba ang internet connection? Meron na bang modules ang lahat?
- Ano ang tulong ng gobyerno sa mga guro halimbawa sa internet allowance at gadgets? At sino ang gumagastos sa mga modules?
- May kumpiyansa ba ang mga guro at magulang sa nalalapit na sistema ng distance education?
- Ano naman ang sitwasyon at suportang kailangan ng mga guro sa provate schools?
- Kinukuha ba ng DepEd ang opinyon ng ating mga guro?"
Ito ay kanilang napagdesisyunan matapos na ibalik sa MECQ ang Metro Manila at iba pang malalapit na probinsya sa bansa.
Comments
Post a Comment