Rider patay matapos malaslas ang leeg ng tali ng saranggola




Naabutan ang electrician na si Benedict Paiste, 36-anyos, na duguan sa Bypass Road sa bahagi ng Barangay  Cabalangegan sa Vigan City.

Dinala agad siya sa ospital pero binawian din ng buhay.

Dinala agad sa ospital ang biktima matapos magilitan ng tali ng saranggola.

Ayon sa pulisya binabagtas ng biktima at angkas nito ang naturang lugar nang sumabit ang leeg niya sa tali ng saranggola.

"Pinahinto raw siya ng kasama niya kasi uminit daw yung leeg niya" sabi ng kapatid ng biktima na si Richard Paiste

"Pagkahinto, bumagsak na kapatid ko" dagdag pa nito

Naka-helmet naman daw ang mga biktima pero tumama sa leeg ng tali.

Halos humiwalay na umano ang ulo ng biktima kaya maging ang angkas ng biktima ay nagtamo rin daw ng sugat sa leeg pero nakaligtas.

"Malalim kasi [ang sugat] pati lalamunan niya at malalaking ugat natamaan," sabi pa ni Richard.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang isa sa nakitang naglaro ng saranggola pero hindi raw sa kanya iyon. Paliwanag niya naputol daw ang tali ng kanyang saranggola.

"Nuong napatid yung tali  ng saranggola, nagsialisan na rin kami. Inayos na nung kasama kong bata yung tali," paliwanag niya.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kakaharapin ng taong mapapatunayang responsable sa nangyari sa rider.



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result