Provincial Bus balik pasada na simula Sept. 30 ayon sa LTFRB

Balik-pasada na ang mga provincial buses na may rutang Metro Manila simula September 30, 2020 ayon kay LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III.
Gayunpaman, Hindi pa malinaw kung lahat ng ruta ay kasama sa lahat ng operasyon.
Ani Chairman Delgra, ngayong weekend ay nakatakdang ilabas ang Memorandum Circular para dito bago ang balik pasada sa darating na Miyerkules, September 30.
Samantala, isang pagpupulong ang ipapatawag ng LTFRB sa mga bus companies sa darating na Lunes, September 28 para plantsahin ang mga patakaran sa gitna ng umiiral na community quarantine.
Comments
Post a Comment