Pangulong Duterte, Hindi ipapa-ban ang Facebook sa Pilipinas

Kinwestyon ng Palasyo ang ginawang pagsasara at tuluyang pagtanggal ng Facebook pages at accounts na sumusuporta sa pamahalaan at hindi isinama ang mga bumabatikos sa administrasyon.
“Kasi ang nangyayari po, kapag laban sa gobyerno hindi po tinatanggal ng Facebook; kapag sumusuporta sa gobyerno naitatanggal po,” sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng MalacaƱang na hindi ipapa-ban ng gobyerno ang social media giant sa Pilipinas.
Ayon kay spokesperson Harry Roque, mas gusto ni Pangulong Duterte na magkaroon ng pag-uusap ang gobyerno at ang Facebook.
Makakasama kasi ang pag-ban sa Facebook para sa mga Pinoy, pati na rin sa kompanya, dahil milyon-milyong Pilipino ang gumagamit nito.
“Alam ninyo po parehong hindi mabuti iyan sa Facebook at sa Pilipinas, number one po kasi sa buong mundo tayo sa Facebook. So kung mawawala tayo, malaking kawalan po iyan sa Facebook,” sabi ni Roque.
“Dahil number one nga tayo, marami ring Pilipinong gumagamit ng Facebook na maaapektuhan din. So ang sabi naman ng Presidente, pag-usapan iyan dahil pare-pareho naman silang sinusulong ang karapatan ng malayang pananalita at iyong malayang merkado ng mga idea,” dagdag pa niya.
Sinabi ng MalacaƱang na maaaring lumipat ang mga tagasuporta ni Duterte sa ibang platform matapos ang pagsasara ng Facebook pages.
Comments
Post a Comment