Pamamaga ng Bulkang Taal mahigpit na binabantayan ng PHIVOLCS

Mahigpit na binabantayan muli ng PHIVOLCS ang aktibidad ng bulkang Taal.
Ayon kay PHIVOLCS officer-in-charge and Science and Technology Undersecretary Renato Solidum Jr. namamaga at bahagyang dumalas ang lindol na lugar.
“Parang dumami nang bahagya ang earthquake at namamaga na naman siya ng kaunti, so we have to closely monitor it. Tignan natin kung ano ang ikikilos”
“Kasi 'yung bagong magma na umakyat during the eruption and weeks after ay nandoon sa ilalim, mga four to five kilometers” sabi ni Solidum
Kahapon naitala ang 14 na volcanic earthquakes, meron din mahina hanggang sa katamtamang pagbuga ng usok ang bulkan.
Gayunpaman nananatili sa alert level 1 ang bulkang Taal.
Bawal pa rin pumunta sa Volcano Island.
Comments
Post a Comment