Pagkakaloob ni P. Duterte ng Pardon kay Pemberton Kinwestion ni VP Leni: Patas at makatarungan ba ito?




Para kay Vice President Leni Robredo hindi patas at hindi makatarungan na pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte si U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon.

Sa kanyang pahayag, kinuwestiyon ni VP Robredo ang pagiging patas ng desisyon ng Pangulo na magbigay ng absolute pardon kay Pemberton.

"Ang tanong nga natin: Patas at makatarungan ba ang naging desisyong ito? Libo-libo ang nakakulong pa rin dahil walang pambayad sa abugado. Hindi malitis-litis ang kanilang mga kaso. May mga pamilya silang nagugutom, nagkakasakit, at naghihirap. Pemberton had lawyers, special detention facilities, a quick, public trial, and an appeal. Ngayon, lalong luminaw na mayroon din siyang resources para masigurong mabibigyang-pansin ng mismong Pangulo ang kaso niya," saad ni VP Robredo.

"Isa lang ang kasong ito sa maraming patunay ng pagkiling sa makapangyarihan na nakikita natin mula sa pamahalaan. Napakaraming mga Pilipino na mas magaan ang sala, ngunit hindi nabibigyang-pansin o nabibigyan ng ganitong uri ng pribilehiyo,” dagdag ng bise presidente.

"Ang nakikita natin: Kapag mahirap, may parusa; kapag mayaman at nasa poder, malaya. We continue to hope that the President exercises his vast powers in a manner that is fair and that benefits the common Filipino.” Dagdag pa nito.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result