Paano Ma-avail ang P150,000 Tuition Loan sa LandBank

Magandang balita po mula sa ating gobyerno. Ang Landbank of the Philippines ay mag papautang ng 150,000 sa isang estudyante para tuition fee
Ito po ay ayon po sa programa ng gobyerno na i-STUDY o Interim Students' Loan for Tuition toward Upliftment of Education for the Development of the Youth.
Sino ang qualified at ano ang requirements?
Pwedeng mag-avail ang mga sumusunod:
- Magulang
- Guardian
- Mga benefactors ng mga estudyante
Upang maging qualified kailangan ang mga sumusunod:
- Hindi lalagpas ng 30 ang edad ang estudyante,
- Isang incoming student na nag-qualify ayon sa admission and retention requirements; at
- Ang paaralan o technical vocational institution ay accredited ng CHED, TESDA o DepEd.
Ang loan ay may fixed 5% interes kada taon. At 24% naman kada taon kapag may penalty.
Ang nasabing loan ay payable sa loob ng isang taon gamit ang 360-day promissory note.
Maaari din umabot hanggang sa 3 taon ang pagbayad, kasama ang one-year grace period sa principal loan.
Ang loan ay makukuha ng lump sum, at ito ay direktang ipapasok sa account ng paaralan.
https://www.landbank.com/loans/business-loan/i-study
Comments
Post a Comment