Online Class Maaaring Suspendihin ayon sa DepEd

Maaaring suspendihin ang klase sakaling mawalan ng kuryente sa mga lugar kung saan pinili ng mga estudyante ang learning modality na online classes, ito ay pahayag ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio
"Since normally, ang suspension marami kapag maulan wala ng pasok.... Personally, ang tingin ko dapat walang pasok sa araw ng bagyo pero hindi siya kasing haba nang dati. Pero 'yung atin na class suspension on the account of heavy rain, hindi na siya mangyayari," sabi sa virtual briefing ni San Antonio.
“Only for those doing online, but for those doing the printed self-learning modules, talagang ‘yung araw lang ng bagyo siguro saka ‘yung araw na nag-aayos pa ‘yung mga bahay, pero ‘pag ready na, hindi na extended ‘yung disruption sa pagpasok ng mga bata,” dagdag pa nito.
Ayon din kay San Antonio ang mga LGU o local government unit ang magdedeklara ng class suspension sa kanilang lugar.
Comments
Post a Comment