Nurse na nagpaanak sa isang palaboy, Binigyan ng malaking reward ni idol Raffy Tulfo!

Lubos na nagpasalamat si nurse Lorraine Pingol ang ginawa ni idol Raffy Tulfo sa isang interview sa programang Raffy Tulfo in Action.
Si nurse Lorraine ay nag-viral matapos nitong tulungan ang isang homeless na ginang na manganak sa kalye kamakailan lamang.

Kwento niya "Late na ako sa trabaho pagka gising ko, nagmamadali po ako..then habang naglalakad ako papasok ng work hindi pa po ako nakakalayo sa vicinity ng baranggay Bangkal. Tinawag po ako ng grupo ng mga barangay rescuers. Pagkalapit ko po nakita ko po yung ale na nanganganak sa gilid ng kalsada."
"Ikaw po ay isang bayani Ma'am Lorraine" sabi ni idol Raffy
"Hindi naman po, parang hindi po nag-sisink in sa akin yung salitang iyon" sagot ni nurse Lorraine
"Ma'am bagay na bagay sa inyo" sagot naman ni idol Raffy
At bilang pasasalamat sa kabayanihang ipinakita ng nurse na si Lorraine siya ay bibigyan ng P100,000 cash ni idol Raffy Tulfo.
Hindi na nagdalawang isip pa si idol Raffy Tulfo na bigyan ito ng malaking halaga lalo nang malaman na nakikipaglaban ito sa sakit na Leukemia.
Hindi naman inaasahan ni nurse Lorraine ang mga biyayang natanggap dahil sa kanyang pagtulong kaya labis labis naman ang pasasalamat nito.
Comments
Post a Comment