Nung puno ng basura walang nagrereklamo, ngayon na pinaganda. Ngayon sila nagreklamo? -Mariel Padilla




Hindi napigilang maglabas ng saloobin si Mariel Padilla sa mga batikos na  tungkol sa rehabilitasyon ng Maynila Bay particular ang pagtambak dito ng white sand para maging atraksyon sa bansa.

Marami kasing netizens ang nagsabing "waste of money and people’s resources" lang ang programa ng gobyerno.

Ayon pa sa mga kritiko, puwede raw namang ilaan ang ginastos dito sa mas prayoridad na mga programa tulad ng bigas at iba pa lalo pa’t nahaharap ang bansa sa pandemya.


Ayon sa actress, siya ay nagtataka ng lubusan dahil noong makalat at puro basura pa sa Manila Bay ay wala namang nagrereklamo ngunit ngayon na pinapaganda na ito ng pamahalaan ay saka naman dumadakdak ang mga kritiko.

Sinabi din ni Mariel na hindi niya maintindihan kung bakit may nagrereklamo pa din kung kailan nakikita na sa nasabing proyekto kung saan napupunta ang buwis na binabayaran ng mga tao.

"Nung puro basura walang nagrereklamo ngayon na pinaganda... can you believe it? Ngayon sila nag reklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi natin hinahanap kung saan napunta yung tax na binabayad natin... ayan oh.. atleast yan nakikita natin diba. Tapos mah complain parin?" sabi ni Mariel sa Instagram

Umani naman ng samu’t-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang komento ni Mariel.

Ayon sa kanila, nahawa na raw ang aktres sa paging DDS ng mister nito na si Robin Padilla.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH