Nationwide State of Calamity Extended Hanggang September 2021

Inextend ni Pangulong Duterte ng isa pang taon ang state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito magiging epektibo simula Setyembre 13, 2020 at magtatapos sa Setyembre 12, 2021 maliban na lamang kung maagang mababawi o mapapalawig “as circumstances may warrant,” ang nakasaad sa Proclamation 1021 na pinirmahan, araw ng Huwebes.
Ayon sa Pangulo layunin ng extensyon na payagan ang national at local governments na patuloy na gamitin ang appropriate funds, kabilang na ang "Quick Response Funds", sa kanilang disaster preparedness and response efforts para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 at patuloy na makapagbigay ng mga pangunahing serbisyo sa bansa.
Layunin din ng Proclamation 1021 na payagan ang gobyetno na kontrolin at i-monitor ang presyo ng mga basic necessities at prime commodities.
JUST IN: President Duterte extends the state of calamity period in the Philippines until Sept. 12, 2021 @ABSCBNNews pic.twitter.com/F6BHcMejKY— Arianne Merez (@arianne_merez) September 18, 2020
Comments
Post a Comment