Mga Radio at TV Frequencies ng ABS-CBN Binawi na ng NTC

Makalipas ang dalawang buwan ng ibasura ng Kamara ang hirit na prangkisa ng ABS-CBN.
Binawi na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang radio at TV frequencies ng giant network na ABS-CBN.
Ayon sa NTC, walang valid na prangkisa ang ABS-CBN para ipag-patuloy pa ang kanilang operasyon at pag-broadcast sa TV at radyo.
Matatandaang Mayo 5 nang unang maglabas ang NTC ng cease and desist order sa operasyon ng radyo at telebisyon ng ABS-CBN kung saan binawi rin naman ito ng NTC dahil inaprubahan naman ng Kamara ang provisional authority ng istasyon.




Comments
Post a Comment