Mga patay na isda naglutangan sa Baseco sa Manila Bay

Namumuting tubig at napupuno ng nangamatay na mga isda sa katubigan ng Manila Bay, Huwebes nang umaga,.
Ito ang ibinahagi ng netizen na si Regine Nequia, presidente ng Baseco Seaside Neighborhood Association (BASA), sa kanyang Facebook post, bagay na kanyang labis na ikinabahala.

"Ngayon ka mapapaisip.. namumuti yung dagat tapos ang daming patay na isda, saan to galing?" sabi nito.
Ngayon ka mapapaisip.. namumuti yung dagat tapos ang daming patay na isda, saan to galing?š¢
Posted by Ghine Nequia on Wednesday, September 16, 2020
Sinabi ni Regine Nequia na isang asosasyon ng mga mangingisda sa Baseco na tinanong niya tungkol dito at sinabi sa kanya ng mga ito na ito unang pagkakataon na nakita nila ang mga patay na isda na lumulutang sa lugar.
Subalit hindi ito unang pagkakataon ng fish kill sa Manila Bay.
Noong Oktubre 2019, naglunsad din ang Department of Environment and Natural Resources ng imbestigasyon sa "massive fish kill" na naiulat sa Las PiƱas at ParaƱaque at pagkamatay ng mga tahong sa Bacoor City at Sangley Point sa Cavite.
Comments
Post a Comment