Mensahe ni Asec. Celine Pialago sa bashers ng white sand: Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit?

Viral sa social media ang Facebok post ni MMDA Spokesperson Celine Pialago kaugnay sa mga kontra sa proyektong paglalagay ng white sand sa baybayin ng Manila Bay.
“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow!” sabi ni Pialogo.
Rekalmo ng mga netizens kung bakit mas inuna pang pagkagastusan ng ilang milyones ang white sand project kaysa idagdag sa ayuda para sa mga hindi pa nakatanggap ng financial aid ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya.
Narito ang sagot ng MMDA Spokesperson:
"Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit?
Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura?
Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow! 😡
Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay.
Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya.
Goodness!"

Comments
Post a Comment