Matinding Panloloko sa Online Delivery, Naganap sa Las Piñas




Hindi bababa sa 10 na delivery riders ang nabiktima ng iisang scammer sa Pilar Village, Las Piñas City.

Isang "AJ Pande" ang nagpa-deliver umano mula sa isang food delivery service.

Ayon sa witness na nag-upload ng larawan sa Facebook, iba-ibang number ang binigay ng customer sa mga rider pero iisang address lang ang sinabi niya

"Nakwento sakin ng mga rider na pinick up po nila sa seller 'yung order ni AJ Pande. 

Paiba-iba 'yung contact number na binigay ni AJ pero same address," ayon kay Natalie dela Cruz, ang may-ari ng viral na post sa social media.

"Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa [nakalagay na address]. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon," dagdag ni Natalie.

Maraming mga netizens nga ang hindi natuwa sa ginawa ng customer sa mga delivery rider. Narito ang mga komento nila:

"Grabe nman yng mga gnyan tao nghhnap buhay ng maaus yung mga tao pineperwisyo nla"

"Dapat gumawa ng batas ang congress na DEATH PENALTY sa mga mahuhuling manloloko gaya nito. Tignan natin kung may gumawa pa nyan."

"Makakarma din ang may gawa niyan sa kanila"

"Sinu kya hayup na yan nyeta ibaon n yan"

Hind na naawa sa mga taong naghahanap buhay kung ganyan lang rin lokohan baka mas maganda paglamayan na yan tao na yan para hind na dumami lahi yan

Wala pang update sa insidente.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo