Mas Malaking budget sa 2021 para sa Vice President, karapat-dapat – Sen. De Lima




Nararapat umano sabi ni Senator Leila de Lima ang mas malaking budget para sa Office of the Vice President (OVP) na P4.506 trilyon mula sa 2021 national budget.

“Time and again, VP Leni Robredo and her office have proven just how competent they are in serving and helping our countrymen, especially during this pandemic,” sabi ni De Lima.

Iginiit pa nito na binawasan ng Department of Budget and Management  ang budget ng OVP mula P723.39 milyon hanggang P679 milyon.

“Just think: The OVP originally proposed P723.39 million for next year’s budget, but it was slashed by DBM to P679 million—the smallest in the proposed 2021 National Budget,” dagdag nito.

“Pero, mahirap talagang ispelingin ang administrasyon na kung hindi man baligtad mag-isip ay sadyang gusto lang manggipit ng mga hindi nila kapanalig,” punto pa nito.

“Hiyang-hiya naman ang kakapiranggot na budget ng OVP kumpara sa bilyon-bilyong intel fund ni Duterte!” dagdag pa ni De Lima.

Ayon pa sa senadora na pinipigilan ng Malacañang ang bise president na tumulong sa maraming Filipino nangangailangan.

“Ayaw ba nilang mas maraming maaruga at maiangat na buhay ang tanggapan ni VP Leni? Mas gusto ba ng rehimeng ito na higit na paglaanan ng budget ang mga ahensyang palpak at gatasan ng mga tiwali nilang kaalyado?” tanong ng senadora.

“Ang malinaw: Sa mas malaking pondo, mas maraming matutulungan ang isang #BusyPresidente. Habang hanggang ngayon, wala pa rin tayong napapala sa isang batugan, patulog-tulog at laging missing-in-action na Pangulo,” sabi nito.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo