Mala Boracay, White Sand Filling Manila Bay Sinimulan na!

Sinimulan na ng DENR o Department of Environment and Natural Resources and pagtambak sa 50 metro ng bay walk ng white sand sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program.
Ayon sa ulat sapat na ang mga white sand na naihanda para tambakan ang kahabaan ng bay walk.
“Gagawin white sand itong, dito sa may bay walk area para makita ng tao na kapag puti ang kulay ng isang bagay, kailangan pangalagaan mo ito at ‘wag mo dumihan,” sabi ni DENR undersecretary Benny Antiporda.
Sa ika-19 araw ng Setyembre, international coastal clean up day, inaasahan ng mga awtoridad na ang mga white sand ay makikita na sa lugar.
Kung magtagumpay ang plano, ilang miyembro ng Gabinete ng Pilipinas ang makakasaksi sa programa sa parehong araw.
Gayunpaman, sa kasalukuyan, inconsistent parin ang kalidad ng tubig ng Manila Bay.
“Pero ‘yung water quality natin, of course, hinahabol pa natin. Ayaw natin palusungin ang mga tao dito na merong health risk,” dagdag nito.
Comments
Post a Comment