Liza Soberano, personal nang nagsampa ng kaso laban sa empleyado ng Converge na nambastos sa kanya

Personal na nagsampa ng kaso si Liza Soberano laban sa Converge employee na si Melissa Olaes na nambastos sa kanya.
Ayon sa kapamilya aktres, hinding-hindi niya palalampasin ang naging komento ni Olaes dahil hindi biro ang "panggagahasa".
"I was really upset, because the fact that it's a rape joke it's not something that should be taken lightly, and the fact that she's a woman, I would never in a million years do a joke like that." pahayag ng aktres
Paalala pa ni Liza sa mga tao, dapat matutong rumespeto sa kapwa kahit na sa social media.
"I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn that there are consequences to everything like rape jokes coz that is not a light matter." dagdag pa na aktres.
Muling pinapaalala ni Liza na ang mga kababaihan ay dapat tratuhin nang may paggalang at dignidad anuman ang kanilang katayuan sa buhay.
Sa kanyang pagsasampa ng kaso, kasama ni Liza si Ogie Diaz na kanyang talent manager, at ang legal counsel nito na si Atty Jun Lim.
Soberano said that the 'rape joke' shouldn't be taken lightly - 'I was really upset, because the fact that it's a rape joke it's not something that should be taken lightly, and the fact that she's a woman, I would never in a million years do a joke like that.' pic.twitter.com/Zcx0VwT73O
— MJ Felipe (@mjfelipe) September 24, 2020
Comments
Post a Comment