Larawan ni Alice Dixson sa isang Cannabis Farm Viral sa Social Media




Isang larawan ni Alice Dixson sa isang cannabis farm ang nag-viral sa social media.

Ang aktres na nagbahagi ng snapshot sa kanyang Instagram account, ay nakunan ng litrato na napalibutan ng mga halaman ng marijuana habang may hawak itong camera.

Sa caption ng kanyang post, ipinaliwanag ni Dixson na bumisita siya sa farm kasama ang kanyang pinsan, isang wellness educator na si Dr. Camilla Griggers, at magpapalabas siya ng isang vlog tungkol sa kanilang "natatanging" karanasan sa lalong madaling panahon.



“This photo was taken on a cannabis farm. Yes marijuana! I look like a deer in the headlights,” sabi ng aktres.

“Hundreds of plants sooo tall, all different sativa & indica strains; some maybe 9-10 feet tall. Pinsan @camillagriggers & I had to climb a mountain high for this unique experience. We’d both never seen anything like this... All in search for some answers, knowledge & truth,” dagdag nito.

Wala nang ibang detalye na sinabi si Dixson, ngunit tinapos ang kanyang caption sa hashtag na "#marijuanailegal na sinusundan ng watawat ng Pilipinas.

Ang marijuana ay nananatiling iligal sa Pilipinas,  Bagaman ang "compassionate" na paggamit ay pinapayagan para gamutin ang ilang mga matitinding karamdaman.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result