Julia Barretto pormal nang nagsampa ng reklamo laban kay Jay Sonza sa NBI Cybercrime Division




Nagtungo ang kapamilya aktres na si Julia Barretto  sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ngayong Biyernes upang maghain ng pormal na reklamo laban sa dating broadcast journalist na si Jay Sonza para sa kanyang pag-akusa na buntis ang aktres sa anak ni Gerald Anderson.

Sinabi ng Kapamilya aktres sa reporter ng ABS-CBN na si MJ Felipe na nais niyang ipakita sa publiko na hindi niya papayagang makalampas ang mga ganitong pagkakataon.

“Ang dami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na ring pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas yung mga bagay na ganito,” sabi ng aktres.


Kasama ni Julia ang kanyang ina, si Marjorie, na nagsabing ang iresponsable at walang basehan na post ni Sonza, ay maaaring makasira sa mga kasalukuyang kontrata ni Julia.

‘Yung pagka-iresponsable mo lang Mr Sonza sobra eh, hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya.' sabi ni Marjorie

'Walang pinanggalingan yung sinasabi po ninyo. Ang pagkakaconfirm pa ninyo eh baboy yung style. Di niyo na nirespeto yung pagkababae niya at saka bata. Nakakasira kayo ng pagtratrabaho ng bata.’ dagdag pa nito.

Hindi pa naglalabas ng komento si Sonza tungkol sa reklamo.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH