Itinapon lang? Tilapia na lumutang sa Manila Bay wala na umanong kaliskis




Samu't-sari ang naging reaksyon ng mga netizen matapos mabalita na may nangamatay na mga isda sa katubigan ng Manila Bay, Huwebes nang umaga.

Isinisi ng mga ilan ang pangyayari  sa durog na dolomite na itinatambak sa baybayin ng Manila Bay.

Ngunit sa isang litrato ay napansin ng mga netizen ang tila mga tilapia at bangus na lumulutang kasama ng iba pang isda sa nasabing litrato na kuha sa Baseco.

Ngunit isang larawan ang napansin ng mga netizen na tila may mga tilapia na lumulutang sa katubigan ng Manila Bay.

Ayon sa mga netizen ay hindi naman daw nabubuhay ang tilapia sa tubig alat.

May ilan din netizen ang nakapansin na wala na ang kaliskis ng ilang tilapia na nakalutang kaya ang tingin nila ay may nagtapon lang ng mga isda sa karagatan.

Langya nman tong mga ulol na ito, gagawa na rin lang ng katarataduhan pahalata pa. Saan kayang palengke to inorder ng...
Posted by John Rollon Amasa on Friday, September 18, 2020


Si Spox Harry Roque mismo ay nag-iisip kung may sumasabotahe nga ba sa rehabilitation ng Manila Bay at sinadyang may nagtapon ng mga patay na isda doon.

“Well, hindi ko po alam kung mayroon ngang sabotahe, pinag-aaralan pa po iyan. Pero nakapagtataka nga,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Bakit ang tilapia, freshwater fish iyon, nakarating sa Manila Bay? Parang imposible naman iyon ‘no dahil hindi po mabubuhay ang tilapia sa saltwater,” dagdag pa nito.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo