Isang kasambahay sa Bahrain, Na-videohang nakasakay na parang hayop sa likod ng kotse ng amo

Isang kasambahay sa bandang Bahrain ang nag-trending kamakailan sa social media matapos siyang makitang nakaupo sa trunk ng isang umaandar na kotse.
Sa video, makikita ang kasambahay na hawak-hawak at ini-ingatan ang isang kahon para hindi mahulog mula sa mabilis na umaandar na kotse.
Ayon sa mga awtoridad sa Bahrain, ang nasa likod ng insidente ay among 20-taong-gulang na babae na siyang nagmamaneho ng kotse.
Ang nasabing video ay nakakuha ng iba`t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen sa social media matapos ang pag-post nito
Ayon sa The Daily Tribune ng Bahrain, sinabi ng mga awtoridad na ang babaeng amo ay haharap sa pag-uusig dahil sa paglalagay sa panganib sa buhay ng kanyang kasambahay.
Panoorin ang video sa ibaba:
Comments
Post a Comment