Sen. Hontiveros at Kiko, Tutol sa pagtatayo ng DITO Telcom towers sa mga kampo ng militar




Inalmahan nina Senatod Risa Hontiveros at Senador Kiko Pangilinan ang pahintulot ng Department of National Defense  na makapagtayo ng towers sa mga kampo ng militar ang 3rd telco na DITO Telecom.

Pinabibilisan na ng senadora sa Senado ang imbestigasyon tungkol sa posibleng epekto sa seguridad sa pagtatayo ng towers sa loob ng kampo ng militar.

“Kailangan mabusisi ang kasunduang ito kasi mahirap paniwalaan na walang pansariling interes ang Tsina sa pagtayo nito ng cell sites sa sarili mismo nating military camps. 

Wala bang ibang cell sites? 

Bakit kailangan sa military bases? 

It’s as if the Chinese state itself is present within our military camps. 

Our national security is at risk here. In Article 7 of the Chinese National Intelligence Law, obliged ang mga Chinese corporations na tulungan ang gobyerno nila sa data and intelligence-gathering efforts” pahayag ni Sen. Hontiveros.

Iginiit naman ni Senator Francis Kiko Pangilinan kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanselahin na ang kasunduan para sa pagtatayo ng DITO Telecom ng towers sa loob ng kampo ng militar dahil ito ay maaaring gamitin sa pang-eespiya.

Ipinaliwanag pa ni Pangilinan na may mga bansa na ang nagbawal o nagkansela ng kontrata sa mga Chinese telcom company at cellphone company dahil sa hinalang mag-eespiya ang mga ito.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo