Frontliners nakunang nagpapahinga sa damuhan, ala-una ng madaling araw sa Sagay City

Nakunan ng larawan ng isang netizen ang isang grupo ng frontliner sa Sagay City, Negros Occidental habang nagpapahinga sa damuhan, ala-una ng madaling araw noong Sabado, Setyembre 5.
Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Jack F. Gallardo, mula pa sa buong araw na trabaho ang rescue team na umaalalay sa mga suspected at coronavirus disease (COVID-19) patient sa kanilang lugar.
Sila rin ang mga nagreresponde sa mga emergency cases.
"We can never pay kindness with money," ang sabi pa niya sa kanyang Facebook post.
“I’m so proud of them. Since day 1 wala akong narinig na hinanakit o reklamo sa kanila. Naniniwala kasi ang tropa na we are all heroes in our little way of helping our community,” saad ni Jack.
Ibinahagi raw niya ang larawan hindi para kaawaan ang mga frontliners ngunit upang isama sila sa mga dasal.
“We need to pray for all frontliners na may tunay na puso magserbisyo para sa community,” dagdag pa niya.
Comments
Post a Comment