Francis Leo Marcos natagpuan umanong walang buhay sa kanyang selda?

Mariing itinanggi ng kampo ni Norman Mangusin, AKA as Francis Leo Marcos (FLM) ang balita-balitang natagpuan umano itong walang buhay sa loob ng kanyang selda.
Ang balita ay nagsimula sa ilang mga Facebook groups na sumusuporta kay Mangusin na kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City dahil sa multiple charges.
Ayon sa post, ang social media sensation ay natagpuang walang buhay dahil sa bangungot.
Ang netizen na nag-post ng nasabing balita ay gumamit ng edited na larawan ng GMA News upang kumbinsihin ang mas maraming tao na maniwala sa balita.

Gayunpaman, itinanggi ito ng sekretarya ni Mangusin na si Yhama Dela Cruz Tan at sinabi na ang kanyang boss ay buhay pa.
“TAMA YAN MANGATOG NA KAYO LAHAT KAYONG NAG WALANG HIYA NAGTAPON NG PUTIK SA PAGKATAO NG AMO KO!!!! KARMA IS ON YOUR WAY!!!” sabi ni Tan.
Nagpahiwatig din siya ng isang ligal na aksyon laban sa mga taong nagkakalat ng maling balita tungkol kay Mangusin.
Comments
Post a Comment