Empleyado ng Converge na Gustong ipag*hasa si Liza Soberano, Kakasuhan na




Balak ng kasuhan ng kampo ng aktres na si  Liza Soberano ang isang empleyado ng internet  service provider na converge dahil sa "rape comment" nito sa aktres.

Ayon kay Liza nakipag-usap na umano siya sa kanyang abogado maging sa manager niyang si Ogie Diaz sa balak na pagkakaso sa naturang empleyado na nakilalang si Melissa Olaes.

“Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga… ewan!” sabi ni Olaes.

“Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address,” ang sagot naman ni Liza sa isang tweet.
Nilinaw naman ni Ogie na hindi ang Converge ang binibira nila kundi ang ilang tauhan nito na hindi nagpakita ng magandang asal sa kanilang mga customer.

“Laitin ninyo si Liza, it’s okay karapatan n’yo ‘yan, pero magko-comment ka about rape? Na sana ma-rape siya?” sabi Ogie.

“Pinag-uusapan na namin ng lawyer ‘yan, kung anong legal na aksyon na puwede naming gawin at the same time ‘yung data privacy law ay na-violate ng isang empleyado kung saan ‘yung kanilang report sa ipinare-repair ng mga Soberano ay inilabas nila,” dagdag ni Ogie.

Samantala, naglabas naman ng official statement ang Converge na hindi nila tino-tolerate ang mga empleyado sa mga maling komento o pag-uugali sa social media tungkol sa mga customer nila.

Under investigation na raw ang nasabing pangyayari.

“We are currently dealing with this matter and we will carry out disciplinary measures accordingly,” pahayag naman ng Converge.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo