Empleyado ng Converge na Gustong ipag*hasa si Liza Soberano nag-public apology na

Binash at binastos ang kapamilya actress na si Liza Soberano ng isang empleyado ng Converge, na kanyang dating internet service provider.
Ang nasabing empleyado na nakilalang si Melissa Olaes ay nag-viral dahil sa kanyang komento na masarap umano ipagahasa ni Liza, matapos nitong mag-reklamo sa internet service at customer service ng kanilang kumpanya
“Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-rape sa mga….. ewan.” ang komento ni Olaes
“Don’t worry we won’t let this one pass.”MELISSA OLAES. Don't forget the name. @Converge_CSU Mr. Dennis Uy your company needs some serious cleaning up to do. Rape is NEVER a joke. @lizasoberano @ogiediaz https://t.co/eEfSAwoUDF pic.twitter.com/cgv6bHVhCE— aiagie 🔆 (@betchaboux) September 20, 2020
Ito naman ang naging reaksiyon ni Liza Soberano sa "rape" comment ni Melissa Olaes patungkol sa kanya.
Nakarating sa mga netizen ang kanyang pahayag tungkol kay Liza.Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.— Liza Soberano (@lizasoberano) September 20, 2020
Matapos magalit sa kanya ang maraming netizens, nag-labas na ng public apology ang Converge employee
Lahad niya, "Six hours ago, napakasimple at tahimik ng buhay namin ng mga anak ko.
"Hanggang may nagparating sa akin ng mensahe na tanggalin ko daw ang post ko sa Twitter.
"Nagulat ako dahil wala akong account sa Twitter, o kahit sa IG.
"Hindi rin po ako madalas magpost sa FB o magcomment sa mga FB friends sa kani-kanilang mga posts.
"Bihira po ako magkomento. Hanggang makarating nga sa akin ang isang 'pagsubok sa katatagan ng aking pagkatao at paniniwala sa Diyos' - ang isang post sa Twitter na in-screenshot ang aking FB comment sa isang pribadong usapan at ngayon ay nagtetrending na."
"Hindi ko po ipapaliwanag ang aking sarili, dahil alam kong wala rin itong magiging bearing sa mabigat na sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon.
"Pero gusto ko pong iparating sa lahat na lubha po akong nasasaktan sa nagaganap.
"Marami saking nagpi-pm ng mga masasakit na salita.
"Maraming nagreretweet at nagko-comment ng napapapikit na lang ako para palampasin ang sakit sa aking kalooban.
"Masakit po dahil, alam ko po ang katotohanan ng pagkatao, integridad at dignidad ko.
"Pero hahayaan ko na lng po kayo lahat maglabas ng inyong sama ng loob, inis o anu pa mang emosyon meron kayo sa ngayon."
"Nauunawaan ko po kayong lahat... hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE.
"Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya — random thought sa isang pribadong usapan.
"Ang salitang RAPE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact.
"Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment. Dahil dito, ako ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko."
"Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari.
"Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe.
"Sa mga anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, mga kamag-anak ko, sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo.
"At sa mga kaibigan na nakakakila sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat.
"At lalo't higit, sa inyong lahat... isang taos pusong paghingi ng paumanhin po."
Hindi binanggit ng netizen ang pangalan ni Liza, at hindi rin siya humingi ng direktang paumanhin sa aktres.
ISANG BUKAS NA PAGPAPARATING NG TAOS PUSONG PAGHINGI NG PAUMANHIN SA LAHAT. Isang mapagpalang gabi sa lahat ng...
Posted by Melissa Olaes on Sunday, September 20, 2020
Comments
Post a Comment