Dating Manila Mayor Lito Atienza Binanatan ang Manila Bay white sand project: “Walang kwentang Proyekto”

Muling binanatan ni Buhay-partylist Representative at dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) kung saan ay naglalagay sila ng artificial white sand sa baybayin ng Manila Bay
Sa naging panayam kay Atienza, isa umanong pag aaksaya ng pera at walang ka kwenta kwenta ang ginagawang proyekto sa Manila Bay.
“A complete waste of public funds on a worthless project,” sabi ni Atienza.
Ayon pa kay Atienza, masasayang lamang umano ang binubuhos na white sand sa Manila Bay dahil isang malakas na bagyo lamang umano ang tatangay sa mga white sand na inilalagay ng DENR.
Sinabi pa ni Atienza na kahit anong pagpapaganda umano ang gagawin nila sa Manila Bay hindi umano nila malilinis ang napakaruming tubig sa nasabing dagat.
“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,” saad ni Atienza.
“Anybody who swims in the bay’s heavily contaminated waters risks exposure to waterborne pathogenic diseases, including viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis A, dysentery, typhoid fever and all sorts of infections,” dagdag pa niya.
Kung si ang dating alkalde ng Maynila na si Atienza ay negatibo ang pananaw sa Manila Bay White Sand Project, iba naman ang opinyon ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso.
Comments
Post a Comment