Coronavirus may kakayahang salakayin ang utak ayon sa pag-aaral

Ang pananakit ng ulo, pagkalito at delirium na naranasan ng ilang mga pasyente ng Covid-19 ay maaaring resulta ng coronavirus na direktang sumalakay sa utak, ito ayon sa isang pag-aaral na inilathala noong Miyerkules.
Ang research ay nasa preliminary stage pa lamang - ngunit ito ay nagbigay ng mga katibayan na sumusuporta sa naunang teorya.
Ayon sa lathala, na pinangunahan ng Yale immunologist na si Akiko Iwasaki, ang virus ay kayang magparami sa loob ng utak ng tao, at unti-unti nitong inuubos ang mga brain cells sa pag starve nito sa oxygen na kailangan ng utak.
Pinuri naman ni S Andrew Josephson, ang pinuno ng neurology department sa University of California, San Francisco, ang mga techniques na ginamit sa pag-aaral at sinabi na "understanding whether or not there is direct viral involvement of the brain is extraordinarily important."
Ngunit idinagdag niya na mananatili siyang maingat hanggang sa sumailalim sa pagsusuri ang lathala.
Sa pinakahuling datos ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay tumaas sa 245,143 noong Miyerkules, matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ang higit sa 3,000 pang bagong mga impeksyon.
Comments
Post a Comment