COMELEC, humirit ng mas malaking pondo sa 2021 para sa VCMs

Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) ng mas mataas na pondo para sa susunod na taon, upang makabili umano ng mga karagdagang vote-counting machines para sa 2022 national elections, matapos na tapyasan ng Department of Budget and Management ang kanilang orihinal na budget proposal na P14.57 billion, pababa ng P14.34 billion.
Ayon kay Jimenez, layun nitong malimitahan ang bilang ng mga tao sa loob ng presinto lalu na’t inaasahan nila ang muling pagtaas sa bilang ng botante.
“Ang problema kasi ay hindi lamang ‘yung edad ng makina kung hindi ‘yung dami rin ng taong gagamit. Ine-expect natin na dadami ang ating mga botante dahil year-on-year, talaga namang tumataas ‘yung ating list of voters,” sabi ni Jimenez.
Binigyang diin ni Jimenez, na tumataas ngayon ang listahan ng mga botante, at kapag marami ay nagsisiksikan ang mga ito sa isang makina, na hindi ligtas sa panahon ngayon ng pandemya.
“At kapag marami ang botante at nagsisiksikan sila sa isang makina, medyo unsafe ‘yan pagdating sa sitwasyon nating pandemya ngayon,” dagdag nito.
Comments
Post a Comment