China Roces, Pina-Tulfo na si Tim Sawyer




Umabot na sa programa ni idol Raffy Tulfo ang isyu ng dating mag live-in partner at vlogger couple na sina China Roces at Tim Sawyer.

Humingi ng tulong si China kay idol Raffy upang isumbong ang dating live-in partner na si Tim Sawyer para ayusin ang problema nila sa hatian ng pera sa kita sa social media na YouTube at Facebook.

Sa simula ng panayam ikinuwento ni China ang pinagmulan ng away nila Tim na nagbago na raw ng ugali simula ng magkaroon ito ng malaking kita.

Milyon-milyon na umano ang kinikita nito sa sa social media.

Dahil dito nais ni China na maging 50-50 ang hatian nila sa mga kinita ng videos kung saan magkasama sila dahil siya rin umano ang nakaisip ng konsepto ng mga ito.

Sa huli, tutulong ang programa ni idol Raffy Tulfo upang makausap ng abogado ang magpabilang panig para maayos ang sinasabing nararapat na hatian ng kita ng vlogger couple.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result