Build Build Build ng Duterte Admin, Hindi praktikal ayon sa IBON Foundation

Para kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa wala daw sa timing ang mga infrastructure projects na planong gawin ng Duterte administration lalo na't nahaharap ang bansa sa krisis na dulot ng pandemya.
Dagdag pa ni Africa, mas mabuti kung ilaan na lamang ang pondo para sa mga pamilyang Pilipino na lubos na apektado ng pandemya at sa mga mayroong sakit.
[NEWS] The Duterte admin prioritizes transport infra in its proposed 2021 budget over the country’s more pressing needs at the height of the pandemic crisis.#Budget2021 #PeopleEconomics #Fighting42https://t.co/c71kg0cm9q
— IBON Foundation (@IBONFoundation) September 16, 2020

“Yang Build, Build Build na yan, yan actually ay nakakagigil yan kasi because of the pandemic, hindi lang sa Philippines, even globally marami sa infrastructure projects na iyan ay hindi na viable. It makes sense na yung mga road or airport project na pang-tourism sector, ipaubaya muna rito sa mas kinakailangan na may mga sakit ngayon.” sabi ni Africa.
Matatandaan na kinasuhan ng IBON Foundation sina Secretary Hermogenes Esperon, Presidential Communication Operation Office Usec. Lorraine Badoy, at Major General Antonio Parlade, Jr. dahil ang mga naturang opisyal ay tinatawag umano silang mga terorista at inuugnay bilang mga makakaliwa.
Communications Undersecretary Lorraine Badoy, AFP Major General Antonio Parlade Jr., and National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. are facing an administrative complaint for "red-tagging" policy research group IBON Foundation. https://t.co/jhh2DoplVc
— CNN Philippines (@cnnphilippines) February 10, 2020
Comments
Post a Comment