Biglaang Pagpayat ni Rhian Ramos, napansin ng mga netizens

Ilang netizen ang nakapansin sa tila mas payat na pangangatawan ng aktres na si Rhian Ramos ngayon.
Marami tuloy ang mga espekulasyon na ang aktres ay may eating disorder.
Itinanggi naman ito ni Rhian, at ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang pagpayat.
Ayon kay Rhian, hindi siya nagda-diet para magpapayat at ang pagnipis ng kanyang katawan ay dahil umano ng stress.
“Of course not. In fact, kapag nakatingin ako sa salamin, alam ko, nakikita ko kung ano 'yung hitsura ko.
"It's not like I'm trying to lose weight because I feel big.
“Iniisip kasi ng tao na nag-diet ako or nag-cardio ako para pumayat nang ganito.
"Pero 'yung totoo lang talaga, it's out of stress,” sabi ng aktres sa interview sa programang 24 Oras.
Comments
Post a Comment