Badjao Girl na si Rita Gaviola, Malayo na ang narating matapos magviral noon ang kanyang picture




Nag-trending  noong 2016 si Rita Gaviola na tinaguriang si Badjao Girl dahil sa angking natural na kagandahan na nakunan ng larawan ng isang netizen habang namamalimos ito sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.


Hindi kagaya noon, mas maayos na ngayon ang buhay na mayroon ang tinaguriang Badjao girl at ang pamilya nito. 

Matapos nyang sumikat ay pinasok naman nya ang mundo ng showbiz ng mapabilang sya sa sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.

Hindi man siya  nanalo sa PBB ay hinangaan naman sya ng nakararami dahil sa tapang nyang harapin ang hamon ni KUYA at ang dedikasyon makaahon sa hirap.

13 anyos lamang noon si Rita ngunit, ang natural nitong larawan ay kumuha sa atensyon ng publiko dahil sa kakaiba at natural nitong ganda.

Ilang taon ang makalipas, dalagang-dalaga na ngayon si Rita at mas lumutang pa ang ganda nito.


Kung noon daw bago pa man sya makilala ay kinakailangan niyang mamalimos para lamang sa pangkain sa araw araw, ay iba na ang estadong ito nila.

Maayos na raw ang kanilang tahanan at hindi na nya kailangan pang mamalimos at mamroblema para kakainin nila sa pang buong araw.

Pumapasok na ngayon ng maayos si Rita at libreng nakakapag-aral sa pamamagitan ng scholarship na ibinahagi sa kanya.

Ito ngayon ang kanyang ipinagpapasalamat sa kanyang mag tagasuporta.

Narito ang kanyang mensaheng pasasalamat sa lahat ng magagandang pangyayaring tinatamasa nga sa kasalukuyan:

"Naalala ko pa noong araw na makuhanan ako ng larawan na ito, di ko mawari aking nadarama may takot saking isipan, at konting sayang nararamdaman dahil sa oras na yun di ko alam ang mga posibleng mangyari sakin."

"Ngunit dumating na ang mga diko inaasahang pangyayari yoon po ngayon ang aking pinapasalamat unang una po sa ating puong may kapal at pangalawa kay kuya Topher na kung di dahil saknya di mangyayari ang lahat lahat ng ito."

"Sa patuloy po na sumusuporta sakin moral at financial support kay mami Grace na andyan lagi para sakin,at sa lahat lahat po ng sumusuporta at nag titiwala sakin maraming maraming salamat po, Mahal na mahal ko po kayong lahat. ❤😭😘😘😘"


Kasalukuyan aktibong nasusubaybayan si Rita Gaviola sa kanyang Instagram Account na may higit 155K followers na.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result