PHIVOLCS: Apat na bulkang may "Abnormal Activity" mahigpit na binabantayan

Apat na bulkan ang binabantayan ngayon ng PHIVOLCS dahil sa mga "abnormal activity" nito.
Ito ang Taal Volcano sa Batangas, Mayon Volcano sa Albay, Bulusan Volcano sa Sorsogon, at Kanlaon Volcano sa Negros Island.
Paalala ng PHIVOLCS nasa Alert level 1 ang bulkang ito.
Ibig sabihin nasa abnormal condition ang mga ito.
Bagaman walang imminent magmatic eruption, nagbabala pa rin ang ahensiya sa bantang dala ng pagsabog ng bulkan.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa mga itinakdang danger zone.
“At alert level 1, all the aforementioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion,” sabi ni PHIVOLCS Officer-in-Charge Renato Solidum.
“Meaning po, ‘yung mga maiinit na magma can actually boil up the water and cause the explosion. And then people then should not go inside their danger zones. Kasama po sa Taal Volcano Island ang bawal,” dagdag pa nito.
Hindi na bago sa Pilipinas ang pagputok ng Bulkan dahil nasa tinatawag na "Pacific ring of fire" ang bansa kung saan madalas ang lindol at pagsabog ng mga bulkan.
Comments
Post a Comment