9-Taong Gulang na Bata, Nagtatrabaho Bilang Mascot para Suportahan ang Pamilya




Nasaksihan ng maraming netizen ang nakakaawang  sitwasyon ng isang 9 taon na batang lalaki matapos maipost ito sa Instagram ng user na si @rhmadii__ .

Hindi lahat ay nabiyayaan ng marangyang pamumuhay, at hindi lahat ng bata ay pinalad na magkaroon ng mga magulang na kayang suportahan ang kanilang mga bayarin sa paaralan.

Ganito ang kaso ni Rehan, isang 9 anyos na batang lalaki sa Indonesia na nagsisikap na magtrabaho bilang isang street clown upang kumita at masuportahan ang kanyang pamilya.

Imbes na paglalaro ang ginagawa habang siya ay bata pa, namulat na si Rehan sa kahirapan ng buhay kaya nito piniling magtrabaho sa kabila ng kanyang murang edad.

Narito ang ilang larawan ni Rehan:




Sa larawa makikita ang bata na animo’y pagod na pagod habang  mahimbing na nagpapahinga sa gilid ng kalsada.

Kailangan umanong araw-araw na gumising ni Rehan nang maaga at maglakad ng 10 kilometro papunta sa Jalan Gatot Subroto ng South Kalimantan para magtrabaho bilang street clown.

Trabaho ng bata ang pasayahin ang mga motorista na naiipit sa trapiko. Gamit ang kanyang mga baong ‘tricks’, pagpapatawa, at suot na iba’t-ibang mascot costume araw-araw.

Hindi na rin umano masama ang kanyang kinikita sa kanyang trabaho. 

Masaya umano si Rehan sa kanyang trabaho kahit na mahirap, lalo na sa tuwing nakapagbibigay siya ng tulong at napapasaya niya ang kanyang ina.

Nakakalungkot lamang isipin na mayroong mga bata na kailangang dumanas nito, katulad ni Rehan at ng iba pang mga bata sa buong mundo.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo