60 DITO Telecom Towers Itatayo sa South Cotabato at GenSan




Kinumpirma ng 3rd telco ng bansa, ang DITO Telecom sa media na target nila ang magtayo ng hindi bababa sa 60 cellular site towers sa South Cotabato.

Itatayo ng DITO Telecom ang nasabing mga tower sa iba`t ibang bahagi ng South Cotabato matapos bigyan ng national government ang kumpanya ng 25 taong prangkisa upang magpatakbo ng isang telecommunications business sa bansa.

Ayon kay HXPT SAQ Manager na si Vincent Villarosa, plano ng kumpanya na magtayo ng hindi bababa sa 60 DITO Towers sa South Cotabato pati na rin sa General Santos City sa mga susunod na buwan.


Nilinaw ni Villarosa sa isang panayam na ang paghahanap ng mga sites para sa pagtatayo ng DITO Towers ay batay sa company's network plan at hindi sa pamamagitan application process.

Sinabi ng DITO Telecom na ang mga kinatawan ng kumpanya na nasa iba't ibang bahagi ng Mindanao ay lalapit sa mga land owners kung ang kanilang mga lote ay papasok sa nasabing mga nominal point o hindi bababa sa 300 metro sa loob ng mga itinakdang nominal point.

Ang kumpanya na pagmamay-ari ng Udenna Corporation at Chelsea Logistics sa pakikipagtulungan sa China Telecom ay nag-anunsyo na pipilitin nila na makapagbigay ng serbisyo sa publiko sa March 2021.

Ang DITO Telecommunity, na dating Mislatel ay naglalayong magbigay ng mas mabilis at mas maaasahang internet connections sa Pilipinas at itinakdang hamunin ang duopoly ng PLDT-Smart at Globe Telecom.

Ang mga pangunahing shareholder ng Dito Telecommunity ay kinabibilangan ng business tycoon na si Dennis Uy "Udenna Corporation" at ang subsidiary nitong "Chelsea Logistics", na may 35% at 25%  stake. Lumalabas na 60% shares ang pagmamaya-ari ng Filipino-owned company.

Ang natitirang 40% shares ng DITO Telecommunity ay nasa ilalim ng China Telecom, na pinamamahalaan ng gobyerno ng China at iba pang mga konglomerate mula sa Tsina.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo