60-day grace period sa mga loan payments kasama sa Bagong Bayanihan Law

Linagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ito ang panukalang batas na naglalaman ng P165 bilyong pondo na ipang-aayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19.
Nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act ang P165-bilyong pondo para sa pagpapatuloy ng pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic gayundin sa pagbili ng bakuna laban sa virus.
Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kaya natagalan ang Pangulo sa paglagda sa bagong batas dahil inaaral pa ito ng ehekutibo.
Sa ilalim din ng naturang batas, bibigyan ng 60-araw na moratorium ang mga may utang sa bansa habang 30-araw naman na palugit sa mga hindi nakapagbabayad ng kuryente, tubig at renta ng bahay o pwesto sa ilalim ng MECQ o ECQ.
Comments
Post a Comment