14-anyos dalagita, gin*hasa ng 2 lalaki, pero ang kaso hindi itinuloy ng magulang ng biktima




"Sana yung hustisya. Ang problema lang siyempre sa hirap ng buhay, walang kakayanan na pambayad sa abogado kaya yung na lang, nakiusap sila na para wala nang problema,"

Isang 14-anyos na dalagita ang hinalay umano ng 2 lalaki na nakasama nito sa dinaluhang handaan sa San Carlos City sa probinsya ng Pangasinan.

Ayon sa report, sinabi ng ama ng biktima na inaya ng kaibigan ang kanyang anak na dumalo sa isang birthday party sa San Carlos City.

Pinainom umano ang kanyang anak at nang malasing ay dinala ng mga suspek sa isang bahay at tsaka doon na hinalay.

Lumitaw na positibong nagalaw ang biktima, ayon sa resulta ng medico legal.

Subalit, hindi na itinuloy ng pamilya ng biktima ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek matapos na mag-alok ng perang nakakahalagangn P100,000 bilang pang-areglo.

"Sana yung hustisya. Ang problema lang siyempre sa hirap ng buhay, walang kakayanan na pambayad sa abogado kaya yung na lang, nakiusap sila na para wala nang problema," ayon ama ng biktima.

Paalala ng awtoridad sa mga magulang na bantayan at gabayan ang mga anak para hindi maligaw ng landas.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result