Posts

Showing posts from September, 2020

Sweet photos nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago viral sa social media

Image
May relasyon na nga ba sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria?

Ito ang usap-usapan ngayon matapos kumalat ang litrato ng dalawa na sweet na sweet na magkasama sa isang dinner sa Ayala Alabang.


Ito umano ay surprise ni Jodi para kay Raymart, Tila nacecelebrate umano sila ng isang special ocassion.


Mapapansin ito sa set-up ng kanilang dinner at sa ambiance ng lugar.


Parehong nakasuot ng face mask ang dalawa ng dumating at umalis sa venue.


Ayon sa balita last April pa umano nag-umpisa ang relasyon ng dalawa

Netizens, na pa 'May nanalo na' sa mga mamahaling halaman ni Jinkee Pacquaiao

Image
Hindi lamang sa mga designer items, maging sa mga halaman, ang pinaka-magagandang uri nito ay kayang-kayang bilhin ni Jinkee Pacquiao.

Ito ang nasabi ng mga netizens matapos silang labis na mamangha nang makita ang mga larawan na ipi-nost ng maybahay ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang mga social media account.

Sa post, makikita si Jinkee na may isang malaking halaman na makikita sa kanyang background.

"When you woke up this morning, God gave you a gift called 'today.' Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by," sabi sa kanyang caption.

When you woke up this morning, God gave you a gift called "today". Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by. ✨💫🤍
Posted by Jinkee Pacquiao on Sunday, September 27, 2020

Iba-iba naman ang naging komento ng mga netizens: 

"Hanggang sa halaman ba naman Jinky pinamukha mong poor kami?! Inaano ka ba ng makahiya…

Estudyanteng naiyak sa dami ng requirements sa online class, viral sa social media

Image
Trending ngayon sa Facebook ang larawan ng isang babaeng estudyante na di napigilang maiyak sa harapan ng laptop.

Ito ay dahil umano sa dami ng mga requirements na pinapagawa ng kanilang guro sa kanilang online class.

Ibinahagi ng netizen na si Dennis Castor ang larawan ng kanyang pamangkin sa labis nitong pag-aalala sa estudyante na tila na-stress na sa pag-aaral imbes na matuto.

Agad nag-viral ang larawan at umani ang larawan ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at karamihan daw sa mga ito ay nakaka-relate sa parehong pangyayari.

Hinay hinay din sa parequirements! Hindi sila ROBOT 😭 Kung ilang subjects meron sila, for sure lahat may activities....
Posted by Dennis Quiaot Castor on Monday, September 28, 2020

Hula ni Rudy Baldwin sa Malakas na Pagsabog ng Bulkan sa Pilipinas, Magkakatotoo na nga ba?

Image
Ang tanyag na psychic na na si Rudy Baldwin ay may bagong prediction tungkol sa isang sakunang magaganap sa Pilipinas.

Sa pagkakataong ito, sinabi ni Baldwin na mayroon siyang isang pangitain patungkol sa napaka-aktibong bulkan ang Taal Volcano.

Kamakailan lang ay nananunsyo ang PHIVOLCS na mahigpit nilang binabantayan ang 4 na bulkan sa Pilipinas dahil sa abnormal activitiy ng mga ito.

Ayon kay Baldwin, ang bulkang Taal ay magkakaroon ng major eruption na kikitil ng maraming buhay.

“Ito ay babala ko sa mga taga Batangas upang makapaghanda at makapag ingat. 

Tumawag sa Diyos upang lahat ng nasa vision ko ay hindi mangyayari. 

Isang malakas na lindol ang nakikita ko sa vision ko at kahit ang dagat ay niyanig ng malakas na lindol diretso sa kalupaan ang yanig ng lindol at malakas ang impact.”

"Doon ko nakita ang mas malala pang pagsabog ng Taal dahil sa apoy na nakikita ko sa karagatan ng Batangas. 

Nakikita ko ang paglapit ng lamang-dagat. 

Ang pag-usok ng bulkang Taal ito ay parang…

PHIVOLCS: Apat na bulkang may "Abnormal Activity" mahigpit na binabantayan

Image
Apat na bulkan ang binabantayan ngayon ng PHIVOLCS dahil sa mga "abnormal activity" nito.

Ito ang Taal Volcano sa Batangas, Mayon Volcano sa Albay, Bulusan Volcano sa Sorsogon, at Kanlaon Volcano sa Negros Island.

Paalala ng PHIVOLCS nasa Alert level 1 ang bulkang ito.

Ibig sabihin nasa abnormal condition ang mga ito.

Bagaman walang imminent magmatic eruption, nagbabala pa rin ang ahensiya sa bantang dala ng pagsabog ng bulkan.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa mga itinakdang danger zone.

“At alert level 1, all the aforementioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion,” sabi ni PHIVOLCS Officer-in-Charge Renato Solidum.

“Meaning po, ‘yung mga maiinit na magma can actually boil up the water and cause the explosion. And then people then should not go inside their danger zones. Kasama po sa Taal Volcano Island ang bawal,” dagdag pa nito.

Hindi na bago sa Pilipinas ang pagputok ng Bulkan dahil nasa tinatawag na "Pacific ring of fire"…

Isang call center sa QC. Binulabog ng bomb threat

Image
Nakatanggap ng warning message ang security commander ng isang BPO company sa Quezon City na ang kanilang gusali ay sasabog sa loob ng isang oras.

Base sa police report, natanggap ni Infocom Philippines security commander na si Reden Versoza ang bomb threat bandang 7:26 ng umaga na agad nitong inireport sa pulis.

“Sasabog ang Bldng., ng Jack Man Infocom sa loob ng isang oras d aq nagbibiro.” ang sabi sa mensahe.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at mga tauhan ng Quezon Police District explosive ordnance disposal (EOD) Unit sa lugar.

Matapos ma-inspeksiyon ang 4th at 5th floor ng gusali kung nasaan ang opisina ng call center, idineklara na itong safe ng awtoridad.

Pangulong Duterte, Hindi ipapa-ban ang Facebook sa Pilipinas

Image
Kinwestyon ng Palasyo ang ginawang pagsasara at tuluyang pagtanggal ng Facebook pages at accounts na sumusuporta sa pamahalaan at hindi isinama ang mga bumabatikos sa administrasyon.

“Kasi ang nangyayari po, kapag laban sa gobyerno hindi po tinatanggal ng Facebook; kapag sumusuporta sa gobyerno naitatanggal po,” sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Malacañang na hindi ipapa-ban ng gobyerno ang social media giant sa Pilipinas.

Ayon kay spokesperson Harry Roque, mas gusto ni Pangulong Duterte na magkaroon ng pag-uusap ang gobyerno at ang Facebook.

Makakasama kasi ang pag-ban sa Facebook para sa mga Pinoy, pati na rin sa kompanya, dahil milyon-milyong Pilipino ang gumagamit nito.

“Alam ninyo po parehong hindi mabuti iyan sa Facebook at sa Pilipinas, number one po kasi sa buong mundo tayo sa Facebook. So kung mawawala tayo, malaking kawalan po iyan sa Facebook,” sabi ni Roque.

“Dahil number one nga tayo, marami ring Pilipinong gumagamit ng Facebook…

‘Sumisigaw na ako sa pain’ Derek Ramsay isinugod sa E.R. dahil sa UV light

Image
"Hindi ko na maidilat 'yung mata ko. Talagang they were burning," kwento ni Derek Ramsay.

Itinakbo sa ospital ang aktor na si Derek Ramsay ng nakaraang linggo dahil sa UV light.

Kuwento ni Derek sa interview nina Iya Villania at Camille Prats sa show na “Mars Pa More”,
may UV light daw sila para ipang-disinfect sa kanilang ilang gamit sa bahay.

Nang mapansin niyang pakislap-kislap ang UV light  napagdesisyon siyang ayusin ito.

Habang inaayos, pinaalalahanan pa raw siya ng girlfriend niyang si Andrea Torres na huwag tingnan nang direkta ang UV light.

Ngunit sa kabila nito, tinignan pa rin niya ito.

Nangyari raw iyon ng alas-7 ng gabi pero pagsapit ng madaling-araw ay hindi na niya maidilat ang kanyang mga mata.

“Talagang they were burning, eh ayoko naman siyang gisingin (Andrea). 

I went to the bathroom, naghugas ako ng mata. It got worse. 

Then it just got worse and worse, 

so napilitan na akong gisingin si Andrea, 

at tinakbo na ako sa ospital,” sabi ni Derek.

Nilagyan p…

Ella Cruz, Naaksidente sa Big Bike

Image
Nag-alala ang mga netizens sa Instagram video post ni Ella Cruz  kung saan nagmamaneho ang dancer/actress ng bigbike motorcycle.

"Simple lang naman, gusto ko yung ginagawa ko at kaya ko. 

Matagal ko ng pangarap magmotor. 

Opo, di ko abot pero masosolusyunan naman. 

Kaya ako nagraride dito sa race tracks lang ay para matuto. 

Hindi pa ko nagmomotor sa kalsada, dahil ayoko pa. 

Isa pa po, sabi ng coach ko, kapag sanay na sanay na ako, 

kahit anong motor pa yan, kahit R1 pa yan, 

kayang kaya ko na 

kahit gano pa kalaki yung motor na yan." kwento ni Ella.


Maayos sa umpisa ang pagpapatakbo ni Ella, ngunit sa bandang huli nang pumaling na ang katawan nito para lumiko, nalaglag siya sa motor at nagpagulong-gulong sa kalsada.

Makikita na sumemplang si Ella.


Mabuti na lang at hindi masyadong mabilis ang kanyang takbo at naka-full protective gear ang aktres kaya naman hindi ito masyadong nagalusan.

Wala namang masakit o natamong sugat si Ella ngunit nagasgas ang kanyang motor. Sa kabila nito,…

Pamilyang Nanigaw ng Frontliner, Nagreklamo kay idol Raffy Tulfo

Image
Matapos mag-viral ang video ng isang pamilya na nanduro at nanigaw ng isang frontliner ay nakarating na nga ang insidente sa programa ni Raffy Tulfo.

Maliban pa sa naagrabyadong nurse ay napag-alamang na-stroke pa pala ang isang tao ng barangay na kasama nito dahil sa insidente.

Ayon kay Atty. Garreth Tungol posibleng makasuhan at makulong ng hanggang 10 taon ang  pamilyang ito matapos nilang pagtulungan ang isang frontliner.

Ayon kay Atty. Tungol, nakasulat sa Bayanihan Law ang pagbabawal sa diskriminasyon sa ating mga frontliners.




Sikat na Vlogger na si Toni Fowler, Nagpasaklolo kay idol Raffy Tulfo

Image
Humingi ng saklolo ang sikit na vlogger na si Toni Fowler kay idol Raffy Tulfo.

Sa isang Facebook post humingi ng suporta si Toni sa netizens na maipaabot ang kanyang video kay idol Raffy.

Sabi niya "Humihingi po ako ng tulong sainyo
Wala akong akong malapitan tungkol dito
Sana umabot po itong video ko kay Sir Raffy Tulfo.
Maraming salamat po sa mga mag sheshare 🙏🏼"


Reklamo ng vlogger ang mga nag-rereupload ng kanyang mga videos.

Agad na nag-viral ang kanyang post kaya naman agad itong nakarating sa programa ni idol Raffy Tulfo.


COMELEC, humirit ng mas malaking pondo sa 2021 para sa VCMs

Image
Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) ng mas mataas na pondo para sa susunod na taon, upang makabili umano ng mga karagdagang vote-counting machines para sa 2022 national elections, matapos na tapyasan ng Department of Budget and Management ang kanilang orihinal na budget proposal na P14.57 billion, pababa ng P14.34 billion.

Ayon kay Jimenez, layun nitong malimitahan ang bilang ng mga tao sa loob ng presinto lalu na’t inaasahan nila ang muling pagtaas sa bilang ng botante.

“Ang problema kasi ay hindi lamang ‘yung edad ng makina kung hindi ‘yung dami rin ng taong gagamit. Ine-expect natin na dadami ang ating mga botante dahil year-on-year, talaga namang tumataas ‘yung ating list of voters,” sabi ni Jimenez.

Binigyang diin ni  Jimenez, na tumataas ngayon ang listahan ng mga botante, at kapag marami ay nagsisiksikan ang mga ito sa isang makina, na hindi ligtas sa panahon ngayon ng pandemya.

“At kapag marami ang botante at nagsisiksikan sila sa isang makina, medyo unsafe ‘yan p…

Babae sa viral happy bday kagawad video ni Cesar Montano lumantad na

Image
Lumantad at nagpakilala na umano sa publiko ang misteryong babae sa likod ng "happy birthday kagawad" viral video ni Cesar Montano.

Nag-post si Dolly Anne Carvajal sa kanyang Facebook page ng pagbati ni Cesar Montano para sa kanyang kaarawan.

Ito ay tulad ng isang reenactment ng viral video ng Cesar noong Oktubre ng 2018.

Ngunit sa pagkakataong ito, ang misteryosong babae ay hindi na nanatili mysterious dahil ipinakita na niya ang kanyang sarili sa camera nang tinawag siya ni Buboy upang kamustahin din si Dolly.

"BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, 'yan! I love you, BFF Dolly!"sabi ni Cesar sa video.

"BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?" Biro ni Cesar

"Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!" sagot ng babae.

"Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga…

Mawawalan ng kuryente sa Luzon sa darating na Sept. 29-Oct. 5, 2020

Image
Nag-abiso ang Meralco na pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan sa Sept. 29 hanggang Oct. 5, 2020.

Bunsod umano ito ng maintenance work o mga pagkukumpuni na isasagawa sa mga apektadong lugar.

Sept. 29
Victoria, Laguna
between 10 a.m. and 3 p.m.
portion of Circuit Dila 413DIA

Portion of San Francisco Barangay Road from near J. P. Rizal St. to and including San Felix Barangay Road; Sophia Subd., Sitio Balimbing and Purok 3 in Bgys. San Francisco and San Felix.
Sept. 29-30
Quezon City
between 11:30 p.m. Sept. 29 and 5:30 a.m. Sept. 30
Portion of Circuits Cubao 52VQ and Kamuning 425VP

Portion of Ermin Garcia Ave. from New Orleans St. to Detroit St. in Bgy. Pinagkaisahan.Portion of D. A. Egea St. from Ermin Garcia Ave. to and including F. Manalo, Sgt. Catolos, Detroit, Chicago and New Orleans St. in Bgy. Pinagkaisahan.Portion of New York and Monte De Piedad Sts. from Maryland St. to and including Boston, Seattle, Manhattan, Spencer, Brookl…

Psychic na si Rudy Baldwin nagbabala sa sakunang magaganap dahil sa bulkang Taal

Image
Ang tanyag na psychic na na si Rudy Baldwin ay may bagong prediction tungkol sa isang sakunang magaganap sa Pilipinas.

Sa pagkakataong ito, sinabi ni Baldwin na mayroon siyang isang pangitain patungkol sa napaka-aktibong bulkan ang Taal Volcano.

Ayon kay Baldwin, ang bulkang Taal ay magkakaroon ng major eruption na kikitil ng maraming buhay.


“Ito ay babala ko sa mga taga Batangas upang makapaghanda at makapag ingat. 

Tumawag sa Diyos upang lahat ng nasa vision ko ay hindi mangyayari. 

Isang malakas na lindol ang nakikita ko sa vision ko at kahit ang dagat ay niyanig ng malakas na lindol diretso sa kalupaan ang yanig ng lindol at malakas ang impact.”

"Doon ko nakita ang mas malala pang pagsabog ng Taal dahil sa apoy na nakikita ko sa karagatan ng Batangas. 

Nakikita ko ang paglapit ng lamang-dagat. 

Ang pag-usok ng bulkang Taal ito ay parang singaw na lamang ngunit sa vision ko ay malakas ang impact at salpukan ng lindol sumabog ulit ang Taal" sabi ni Baldwin sa kanyang FB post…

Mayor Vico Sotto, Mamimigay ng Libreang Laptops sa mga Public School Teachers

Image
Sa isang tweet noong Setyembre 26, 2020, si Vico Sotto, kasalukuyang alkalde ng Pasig City, ay nag-tweet ng dalawang larawan ng mga kahon kahon na mga laptops na ipamimigay niya sa mga guro ng pampublikong paaralan.


Nandito na rin po yung mga LAPTOPS para sa mga PUBLIC SCHOOL TEACHERS. #Inspection #QualityAssurance 👨‍💻💙
Posted by Vico Sotto on Friday, September 25, 2020
Isa lamang ito sa maraming proyekto na isinagawa ng alkalde bilang tugon sa COVID-19 pandemic.

Dahil sa pandemya, maraming guro ang kailangang gawin ang online learning. Gayunpaman, ang mga resources ay hindi laging available.

Sa pagsisikap na tumulong, ang pamahalaang Lungsod ng Pasig ay tumulong sa mga guro sa kanilang "new normal" upang maabot ang kanilang mga mag-aaral at makapagsagawa ng effectively conduct classes.

Dumating ang mga laptop ilang araw lamang pagkatapos ibahagi ni Mayor Vico Sotto ang pagdating ng mga tablet para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.

Walang impormasyon tungkol s…

School Opening, gawin nalang sa 2021, Hiling ng mambabatas at grupo ng mga guro

Image
Para kay Senador Miguel Zubiri, dapat na ipagpaliban muna ang school opening ngayong taon at gawin na lang ito sa taong 2021.

Paliwanag ng senador, ito’y para makapag-adjust pa ang mga estudyante at DepEd sa bagong mode of learning dahil sa COVID-19 pandemic.

“Kung nahihirapan pa ang ating mga estudyante at ang DepEd mag-conduct ng homeschooling then it might be better to postpone the opening to another month or possibly even on January,” sabi ng Senador.

“Education is also important but the delivery of this service must also be effective,” dagdag pa niya.

Suportado din ang panukalang ito ng grupong Teachers' Dignity Coalition (TDC).

Ayon sa kanila:

"PASUKAN NA SA OKTUBRE 5 MGA KAGURO

I-check natin ha.
Nakahanda na nga ba ang DepEd at mga guro sa October 5 school opening?Ano na ang sitwasyon sa field? Maayos ba ang internet connection? Meron  na bang modules ang lahat?Ano ang tulong ng gobyerno sa mga guro halimbawa sa internet allowance at gadgets? At sino ang gumagastos sa mga …

Mystery woman sa "happy bday kagawad" video ni Cesar Montano lumantad na

Image
Lumantad at nagpakilala na umano sa publiko ang misteryong babae sa likod ng "happy birthday kagawad" viral video ni Cesar Montano.

Nag-post si Dolly Anne Carvajal sa kanyang Facebook page ng pagbati ni Cesar Montano para sa kanyang kaarawan.

Ito ay tulad ng isang reenactment ng viral video ng Cesar noong Oktubre ng 2018.

Ngunit sa pagkakataong ito, ang misteryosong babae ay hindi na nanatili mysterious dahil ipinakita na niya ang kanyang sarili sa camera nang tinawag siya ni Buboy upang kamustahin din si Dolly.

"BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, 'yan! I love you, BFF Dolly!"sabi ni Cesar sa video.

"BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?" Biro ni Cesar

"Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!" sagot ng babae.

"Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga…

Idol Raffy Tulfo, Naluha sa kasal ng anak na si Mar at Atty. Garreth Tungol

Image
Ini-upload na ng anak ni idol Raffy Tulfo na si Maricel sa kanyang YouTube channel ang video ng kanilang kasal ni Atty Garreth Tungol.

Ginanap ang kasal noong Setyembre 20, 2020 na dinaluhan ng malalapit lamang na tao sa dalawa bilang pagsunod sa mga safety protocols dahil nasa ilalim pa rin ng GCQ ang Metro Manila.

Bakas ang labis na kasiyahan ng dalawa sa araw na iyon.

Maging ang ama ni Mar na kilalang walang inuurungan at sumbungan ng bayan na si Raffy Tungol ay napaluha sa kagalakan na ikinasal na ang kanyang unica hija na si Maricel Tulfo-Tungol.

Sa bandang 11:39 ng video, mapapansing napapunas ng luha ang idol ng bayan na si Raffy Tulfo.



Sen. Manny Pacquiao ido-donate sa mga COVID-19 victim ang malaking parte ng kikitain sa laban kay McGregor.

Image
Kumpirmado na ang bakbakang Pacquiao vs. McGregor sa susunod na taon.

Ayon sa special assistant ni boxing champ at Sen. Manny Pacquiao niyang si Jake Joson, ido-donate nila sa mga COVID-19 victim ang malaking bahagi ng kaniyang kikitain sa laban nila ni Conor McGregor.

"Malaking portion ng kikitain ni Sen. MP sa kanyang susunod na laban, eh, ido-donate niya sa mga victims ng COVID," sabi ni Joson.

Sa pahayag ni Sean Gibbons, presidente ng Manny Pacquiao Promotions, ang laban sa pagitan ng eight-division world champion na si Pacquiao at ng Irish mixed martial arts star na si McGregor ay matatawag na "tremendous global event."

Ayon pa kay Joson, umabot na sa isang taon ang pakikipag-usap ng Team Pacquiao sa grupo ni McGregor na pinamumunuan ng manager nitong si Audie Attar na naantala dahil sa COVID-19 pandemic.

"So, nagplantiya pa ng contract ang mga lawyers about this huge boxing match Pacquiao vs. Mc Gregor,... but both fighters are getting ready for this one …

Mag-Ingat sa Pag-Post Para sa 'Drop Your Beautiful Daughter, Son' challenge

Image
Nang dahil sa pandemya, marami sa atin ang nananatili na lang sa bahay.

Dahil nito, ang ilan ay hindi maiwasang ma-bore o mainip at makisali sa mga nauusong gawin sa gitna ng krisis.

Isa dito ang pagkawili ng karamihan ng mga magulang sa pagsali sa pinakabagong pakulo sa Facebook ang #dropyourbeautifuldaughterchallenge.

Narito pa ang ibang mga challenges:

#drop_your_daughter_pic_challenge
#drop_your_son_pic_challenge
#drop_your_children_pic_challenge
#drop_your_cute_son_challenge
#drop_your_cute_children_pic_challenge
#drop_your_handsome_son_challenge

Nagbigay naman ng babala ang concerned parents at child-protection groups sa posibleng panganib na dulot nito.

Sa katunayan kamakailan lamang ay may isang ina na labis ang takot nang malamang nasa pedophile website ang pictures ng anak nya na pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan.



Nurse na nang-agaw ng Mister ng kanyang pasyente, may kalalagyan na

Image
"Nurse pa man din! Kung sino pa yung inaaasahan mo na tutulong sayo na mapagaan yung karamdaman mo, tulad nito dialysis patient siya, at magbibigy ng comfort eto pa yung nagbigay sa kanya ng sakit sa ulo. Hindi lang sakit sa ulo sakit pa sa loob". -idol Raffy Tulfo

Nagpasklolo ang isang dialysis patient  kay idol Raffy Tulfo  matapos umanong agawin ng attending nurse niya ang kanyang mister.

Sumbong ni misis na nakilalang si Rica de Vera, naging malapit na kaibigan niya ang nurse na si Vera Mae kaya naman hindi niya inakalang magagawa nila ito sa kanya

Nagmakaawa pa si Rica sa nurse na ibalik na lang ang kanyang mister sa kanila ng mga anak niya

Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw humihinto ang nurse at kinakausap pa rin ang asawa niya.

Nangako naman si idol Raffy na tutulungan ang ginang at katunayan ay nakipag-ugnayan na ang programa nito sa mga kinauukulan upang mapa-uwi ang inirereklamong nurse

Anak, pina-Tulfo ang sariling ama dahil kinabit ang misis niya

Image
Humingi ng tulong ang mag-inang sina Myla at Crismark Pineda sa raffy Tulfo in Action.

Inirereklamo ng anak ang kanyang sariling ama at kanyang misis na si Girlyn Pinedadahil dahil sa umano may relasyon ang dalawa.

Ang ina mismo na si Myla Pineda ang nakahuli sa relasyon ng dalawa at napaamin pa nila ang mga ito.

Kasalukuyan tumakas at sinasabing nagsasama na ang mga ito.

Kaya naman desidido na ang mag-ina na samapahan ng kaso ang dalawang nagkasala sa kanila


Provincial Bus balik pasada na simula Sept. 30 ayon sa LTFRB

Image
Balik-pasada na ang mga provincial buses na may rutang Metro Manila simula September 30, 2020 ayon  kay LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III.

Gayunpaman, Hindi pa malinaw kung lahat ng ruta ay kasama sa lahat ng operasyon.

Ani Chairman Delgra, ngayong weekend ay nakatakdang ilabas ang Memorandum Circular para dito bago ang balik pasada sa darating na Miyerkules, September 30.

Samantala, isang pagpupulong ang ipapatawag ng LTFRB sa mga bus companies sa darating na Lunes, September 28 para plantsahin ang mga patakaran sa gitna ng umiiral na community quarantine.

GCash may bayad na ang bank transfer simula sa Oct. 1

Image
Ang mobile wallet provider na GCash ay magsisimulang maningil ng charge para sa bank transfers sa platform nito simula sa Huwebes, ika-1 ng Oktubre, sinabi ito batay sa mga abiso na natanggap ng mga gumagamit ng naturang mobile app.

"Starting Oct. 1, 2020, a fee will be charged per transaction," saad sa advisory ng GCash

Nauna nang hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bangko na alisin ang mga online transaction fees upang hikayatin ang mga Pilipino na gumamit ng online banking sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Iba-iba naman ang naging komento ng mga netizens sa anunsiyo ng GCash:


Sharee Sinaniban? Ed Caluag, Nag-imbestiga sa opisina ni idol Raffy Tulfo

Image
"May galit siya, malungkot siya, umiiyak" -Ed Caluag

Inimbitahan ni Raffy Tulfo ang  paranormal expert investigator na si Ed Caluag sa kanyang programa

Kaugnay ito sa mga di umano'y kababalaghan sa kanilang opisina

Nagbigay ng mga detalye si Ed Caluag tungkol sa mga naramdaman niya at ang koneksyon nito sa co-host ni Tulfo na si Sharee Roman.

Ayon kay Caluag, pagpasok pa lamang niya ng gusali, nakasalubong na niya ang babaeng nagpaparamdam sa lugar.



TINGNAN: Mga dirty-names ginamit sa modules ng Grade 11 students ng isang Catholic school

Image
Marami ang nabigla sa isang learning module na naglalaman ng mga halimbawang pangalan na may “double meaning.”

Ibinahagi ng netizen na si Reyson Lee ang module na ito ng kanyang Grade 11 na kapatid sa isang private Catholic school na naglalaman ng ilang "dirty names."

"I'm not blaming DepEd for this. I only mentioned the page to raise awareness about the content with double meaning," ayon kay Lee.


Ayon kay Reyson, lumapit din sa kanya ang ilan na may kapatid na nag-aaral sa ibang school dahil inirereklamo rin nila ang sobrang "creativity" ng modules.



Simula raw ngayong araw, nagbahay-bahay na ang ilang guro ng eskuwelahan ng kanyang kapatid para kunin ang specific module na iyon.

Sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na hindi galing sa kanila ang self-learning module na naglalaman ng "dirty names" noong tanungin ni Sen. Joel Villanueva kung paano nila binabantayan ang kalidad ng mga modules.

Galing ito sa isang review center para sa teache…

Julia Barretto pormal nang nagsampa ng reklamo laban kay Jay Sonza sa NBI Cybercrime Division

Image
Nagtungo ang kapamilya aktres na si Julia Barretto  sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ngayong Biyernes upang maghain ng pormal na reklamo laban sa dating broadcast journalist na si Jay Sonza para sa kanyang pag-akusa na buntis ang aktres sa anak ni Gerald Anderson.

Sinabi ng Kapamilya aktres sa reporter ng ABS-CBN na si MJ Felipe na nais niyang ipakita sa publiko na hindi niya papayagang makalampas ang mga ganitong pagkakataon.
EXCLUSIVE: Julia Barretto went to the NBI Cybercrime Division to formally file a complaint against Jay Sonza. pic.twitter.com/Ig4qzngLg2 — MJ Felipe (@mjfelipe) September 25, 2020
“Ang dami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na ring pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas yung mga bagay na ganito,” sabi ng aktres.

Julia Barretto on filing a formal complaint: 'Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na ring pinalampas lal…

Mambabatas sa Argentina Nahuling Hinalikan ang Dibdib ng Partner habang nasa Videoconference

Image
An Argentine lawmaker was suspended Thursday after kissing his partner's breasts during a parliamentary session being held by videoconference, a scene that quickly went viral on social media.

As another MP was making his address on a giant video screen installed in parliament, which also showed other participants in their homes, Juan Emilio Ameri could be seen fondling and kissing the breasts of a woman sitting next to him.

The lawmaker from the northeastern province of Salta then pulled one of the woman's breasts out of her T-shirt and started kissing it.

The parliamentary session was initially interrupted, and then suspended, by the speaker Sergio Massa.

"The whole time we have been teleworking these past months we have had several incidents where deputies fell asleep or another hid, but today we had a situation that really overstepped the boundaries of this house," said Massa.

Confused, Ameri, 47, tried to apologize, saying that he did not think he was connected …

Pamamaga ng Bulkang Taal mahigpit na binabantayan ng PHIVOLCS

Image
Mahigpit na binabantayan muli ng PHIVOLCS ang aktibidad ng bulkang Taal.

Ayon kay PHIVOLCS officer-in-charge and Science and Technology Undersecretary Renato Solidum Jr. namamaga at bahagyang dumalas ang lindol na lugar.

“Parang dumami nang bahagya ang earthquake at namamaga na naman siya ng kaunti, so we have to closely monitor it. Tignan natin kung ano ang ikikilos”

“Kasi 'yung bagong magma na umakyat during the eruption and weeks after ay nandoon sa ilalim, mga four to five kilometers” sabi ni Solidum

Kahapon naitala ang 14 na volcanic earthquakes, meron din mahina hanggang sa katamtamang pagbuga ng usok ang bulkan.

Gayunpaman nananatili sa alert level 1 ang bulkang Taal.

Bawal pa rin pumunta sa Volcano Island.

Billy Crawford’s Birthday Message to Coleen Garcia

Image
Isang nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ni Billy Crawford para sa asawang si Coleen Garcia sa kanyang Instagram.

Matapos dumating ang isa sa pinaka magandang regalo sa buhay mag asawa ni Billy at Coleen nitong nakaraang linggo ang anak nilang si Amari Crawford ay ang pagdating naman ng kaarawan ni Coleen.

“Happy birthday #myeverything @coleen .
Your life has been so colorful and time and time again you always shock the world! You are the toughest, strongest, smartest, beautiful, wonderful, I mean, I can go on and on and on.” Panimula ni Billy

“But I really just want to thank you for everything! Apart from the obvious, sacrificing everything to give us a healthy, beautiful family.” Dagdag pa nito.

“I praise God for you. I know you don’t care much about celebrating your birthday but you get to have the same birth month as our son and that is something super special. We owe you our lives. Please do enjoy this special day. If it ain’t special for you, it’s special for all of us who love y…

Apo ni Dolphy, Ipina-tulfo ang Kanyang GF!

Image
Humingi ng tulong Si Rowell Quizon, apo ng yumaong King of Comedy na si Dolphy sa Raffy Tulfo in Action.

Inireeklamo niya ang GF niyang si Emily Alonzo na nanay ng kanyang mga anak  sa pagiging iresponsable at pananakit umano nito sa kanilang mga anak.

Tinuturuan din umano ng kanyang GF na si Emily ang kanilang anak na magalit sa kanya.

"Masakit po kasi hindi niya po nakasama yung mga bata, iniwan niya sakin. Nagagalit siya malayo ang loob sa kanya pero di naman niya ipinapakita na nanay siya." sabi ni Rowell


Nurse, inagaw ang Mister ng kanyang babaeng pasyente na nagda-dialysis

Image
"Nurse pa man din! Kung sino pa yung inaaasahan mo na tutulong sayo na mapagaan yung karamdaman mo, tulad nito dialysis patient siya, at magbibigy ng comfort eto pa yung nagbigay sa kanya ng sakit sa ulo. Hindi lang sakit sa ulo sakit pa sa loob". -idol Raffy Tulfo

Nagpasklolo ang isang dialysis patient  kay idol Raffy Tulfo  matapos umanong agawin ng attending nurse niya ang kanyang mister.

Sumbong ni misis na nakilalang si Rica de Vera, naging malapit na kaibigan niya ang nurse na si Vera Mae kaya naman hindi niya inakalang magagawa nila ito sa kanya

Nagmakaawa pa si Rica sa nurse na ibalik na lang ang kanyang mister sa kanila ng mga anak niya

Pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw humihinto ang nurse at kinakausap pa rin ang asawa niya.

Latest FB post ni Tim Sawyer kasama si China Roces, Viral online!

Image
Makalipas ang mahigit 2 linggong naging laman ng balita ang matinding awayan ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, tila nagkaayos na ang dalawa.

Sa kanyang lastest Facebook post, ibinahagi ni Tim ang larawan na kasama si China na may caption na "fresh skin for our fresh start"

Agad itong nag-trending at nakakuha ng mahigit 125K likes, 10K comments at 1.6K shares at patuloy pang nadadagdagan.
Fresh skin for our fresh start 🙂 Thank you @SkinMagical ❤️ #TimAndChina Skin MagicalPosted by Tim Sawyer on Wednesday, September 23, 2020
Naging masaya naman ang mga fans sa muling pagsasama ng dalawa bagamat hindi pa malinaw kung ano ang real score nila.

Matatandaang naging kontrobersyal ang dalawa matapos masaksihan ng publiko ang gulo sa pagitan nila na umano'y nag-ugat sa pera.

Build Build Build ng Duterte Admin, Hindi praktikal ayon sa IBON Foundation

Image
Para kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa  wala daw sa timing ang mga infrastructure projects na planong gawin ng Duterte administration lalo na't nahaharap ang bansa sa krisis na dulot ng pandemya.

Dagdag pa ni Africa, mas mabuti kung ilaan na lamang ang pondo para sa mga pamilyang Pilipino na lubos na apektado ng pandemya at sa mga mayroong sakit.
[NEWS] The Duterte admin prioritizes transport infra in its proposed 2021 budget over the country’s more pressing needs at the height of the pandemic crisis.#Budget2021#PeopleEconomics#Fighting42https://t.co/c71kg0cm9q— IBON Foundation (@IBONFoundation) September 16, 2020

“Yang Build, Build Build na yan, yan actually ay nakakagigil yan kasi because of the pandemic, hindi lang sa Philippines, even globally marami sa infrastructure projects na iyan ay hindi na viable. It makes sense na yung mga road or airport project na pang-tourism sector, ipaubaya muna rito sa mas kinakailangan na may mga sakit ngayon.” sabi ni Africa.

M…

Xyriel Manabat planong magsampa ng kaso matapos bastusin sa social media

Image
“Hindi po ‘yun simpleng panlalait or panghuhusga. Nambabastos po sila." -Xyriel Manabat.

Naging emosyonal ang teen star na si Xyriel Manabat sa kanyang panayam sa Teleradyo Balita ng ABS-CBN News program.

Patungkol ito sa kanyang kinasangkutang kontrobersya, kung saan binastos siya at ang kanyang pananamit ng ilang mga netizens sa social media.



View this post on Instagram
There’s nothing wrong with WHAT WE WEAR Top from What We Wear Clothing Ph @wwwclothingph @kyle.abello @stnja Lalong walang samthin wrong sa wacky ko 👉🏻😗👈🏻 A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_) on Sep 21, 2020 at 1:49am PDT
Ayon sa kapamilya network teen star, magsasampa siya ng kaso sa mga netizens na nambastos sa kanya sa social media.

Ipinaliwanag ni Xyriel na hindi dapat i-objectify ang kababaihan at hindi dapat hayaang magpatuloy ang ganoong masamang pag-iisip.

Narito ang mga naging pahayag ni Xyriel:

“Hindi po ‘yun simpleng panlalait or panghuhusga. Nambabastos po sila." 

“Nang-oobjectify …