Pangulong Duterte Napaluhod at Hinalikan ang Lupa sa Jolo, Sulu




Bumisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Jolo, Sulu para makiramay sa mga biktima ng pag-atake ng terorista na kumitil ng hindi bababa sa 15 buhay at 75 iba pang sugatan noong nakaraang Linggo, ito ay sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque noong Linggo.

“This is to confirm that PRRD visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor,” sabi ni Spox Harry Roque sa mga reporters.


“He is expected to be back in Manila tonight,” dagdag pa ni Roque.

Nag-alay ang Pangulo ng mga bulaklak at dasal sa pinangyarihan ng pagsabog, at pagkatapos ay nagpunta sa Camp Teodolfu Bautista upang bisitahin ang mga nasugatan sa pagsabog at ngayon ay ginagamot sa ospital ng kampo.


Kamakailan ay inanunsyo ng pangulo na bibisitahin niya ang Jolo blast site upang "bigyan ng importansya" ang mga pulis at sundalong namatay sa pagsabog.


“I’m going to Jolo, diretso ako ngayon sa Jolo, doon sa blast sight. Mabigyan ko lang ang mga sandalo natin, mga sundalo ko, mga pulis ko ng importansya sa kanilang kamatayan,” 

” I’ll go there to fulfil the duty of a commander in chief. Magti-take off kami tamang tama, eh kaso lang sa ere walang ano, hindi niyo ako mapanuod,”

“Maraming maraming salamat sa inyo at I hope to see you one of these days sa aking bahay. Mag salu-salo tayo ng maruya pati softdrinks, one of these days after Covid,” pahayag ni Pangulong Duterte sa “Singing for the President”.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result