LOOK: Pinakabagong Disenyo ng P1000, P500 Bill Isinapubliko ng BSP

Mga enhancements sa disenyo ng ating mga salaping papel.
Ang serye ng mga salaping papel ng NGC ay siyam (9) na taon nang nasa sirkulasyon kung kaya’t kinakailangan ang mga pagpapahusay sa mga tampok panseguridad nito.
Bilang kasanayan, ang mga central banks ay regular na nagbabago ng mga disenyo at tampok panseguridad ng kanilang mga salapi tuwing ika-10 taon, upang maprotektahan ang integridad ng salapi.
Ayon sa Committee on Currency Design and Enhancement (CCDE), kinakailangang mapaghusay at mas lalong mapaganda ang disenyo at mga tampok panseguridad ng mga salaping papel na ito upang mas mapadali ang pagtukoy ng pagkakaiba ng bawat denominasyon at upang maitampok ang mga pinakabagong teknolohiya na laban sa pamemeke.

50-piso Enhancements
- TACTILE MARK: 1 pares ng mga maiikling pahalang na linya na nakaimprenta sa tintang intaglio ay matatagpuan sa dulong kanan at kaliwang panig ng salapi
- EMBEDDED SECURITY THREAD: nanatiling 2mm ang lapad

100-piso Enhancements
- TACTILE MARK: 2 pares ng mga maiikling pahalang na linya na nakaimprenta sa tintang intaglio ay matatagpuan sa dulong kanan at kaliwang panig ng salapi
- WINDOWED SECURITY THREAD: 4mm ang lapad. Hango sa disenyo ng habi mula sa rehiyon ng Bicol, ito ay may 3-D at holographic na tampok at pagpapalit ng kulay mula lila papuntang tanso

200-piso Enhancements
- TACTILE MARK: 3 pares ng mga maiikling pahalang na linya na nakaimprenta sa tintang intaglio ay matatagpuan sa dulong kanan at kaliwang panig ng salapi
- WINDOWED SECURITY THREAD: 4mm ang lapad. Hango sa disenyo ng habi mula sa Visayas, ito ay may 3-D at holographic na tampok at pagpapalit ng kulay mula berde papuntang asul

500-piso Enhancements
- ENHANCED VALUE PANEL: Ang patayong value panel sa kaliwang sulok sa itaas na bahagi ay may kulay na tila gumugulong kapag itinagilid pakanan o pakaliwa
- TACTILE MARK: 4 pares ng mga maiikling pahalang na linya na nakaimprenta sa tintang intaglio ay matatagpuan sa dulong kanan at kaliwang panig ng salapi
- OPTICALLY VARIABLE INK: ang marka na hango sa watawat ng Pilipinas na kapag tiningnan sa iba’t ibang mga anggulo ay nagbabago ang kulay mula ginto papuntang berde at gayundin ang kabaligtaran nito
- WINDOWED SECURITY THREAD: 4mm ang lapad. Hango sa disenyo ng habi mula sa katimugang bahagi Pilipinas, ito ay may 3-D at holographic na tampok at pagpapalit ng kulay mula ginto papuntang berde

1000-piso Enhancements
- ENHANCED VALUE PANEL: Ang patayong value panel sa kaliwang sulok sa itaas na bahagi ay may kulay na tila gumugulong kapag itinagilid pakanan o pakaliwa
- TACTILE MARK: 5 pares ng mga maiikling pahalang na linya na nakaimprenta sa tintang intaglio ay matatagpuan sa dulong kanan at kaliwang panig ng salapi
- WINDOWED SECURITY THREAD: Nilakihan mula 4mm to 5mm ang lapad. Hango sa disenyo ng habi ng T'nalak, ito ay may mga paggalaw ng mga disenyo, kulay at mga tampok na micro-optic.
- OPTICALLY VARIABLE INK: ang nasasalat na “1000” na denominasyon ay makikita sa ibabang sulok sa kanang bahagi ng salaping papel, na kapag tiningnan sa iba’t ibang mga anggulo ay nagbabago ang kulay mula sa berde papuntang magenta
Comments
Post a Comment